Gamitin ang telcos para sa mabilis na cash aid distribution, ipinanukala ni Sen. Pangilinan

  • Telcos para sa mas mabilis na cash aid distribution, iminungkahi
  • Ang digital cash transfers tulad ng GCash at Smart Padala ay mainam na alternatibo sa pamamahagi ng cash aid dahil mas mabilis na naipadadala ang pera sa mga recipients
  • Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act 18 million families ang tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid sa loob ng dalawang buwan
  • As of April 18, nasa 4 million families pa lang ang nabibigyan ng cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development

Iminungkahi ni Senator Francis Pangilinan sa pamahalaan na gamitin ang mga telecommunications companies (telcos) para sa mas mabilis na distribusyon ng cash aid para sa mga mamamayang lubos na naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Francis Pangilinan

Sa sulat na ipinadala ng senador kay Health Secretary Francisco Duque III, ang namumuno sa Inter-Agency Task Force for the Management og Emerging Infectious Diseases (IATF), iminungkahi niya na kunin ang serbisyo ng mga telcos na may mobile money transfer services upang makapagbigay ng cash assistance sa mga mahihirap na pamilya.

Sabi ni Sen. Pangilinan, ang digital cash transfers tulad ng GCash at Smart Padala ay mainam na alternatibo sa pamamahagi ng cash aid dahil mas mabilis na naipadadala ang pera sa mga recipients.

“Nauunawaan natin ang hirap na kinakaharap ng pamahalaan sa pag-distribute ng emergency cash assistance. Ito’ng iminumungkahi naming alternatibong paraan ay para mabilis na makaabot ang tulong sa mga mahihirap at gutom,” pahayag ng senador.

Imahe mula sa Expresspay

Aniya, maaaring ipadala ng gobyerno ang perang ayuda sa benepisyaryo sa pamamagitan ng mobile money transfer o kaya naman ay kunin ng recipient ang ayuda sa mga authorized remittance centers na matatagpuan sa mga komunidad.

Inamin ni Sen. Pangilinan na hindi perpekto ang sistema dahil hindi naman lahat ng pamilya ay may mobile phone, pero ipinaliwanag niya na ang pag-release ng cash aid ay bumabagal dahil sa bureaucracy at red tape sa gobyerno.

“Hindi perpekto ang sistemang ito — ang ilang pamilya ay maaaring walang telepono o ilang pamilya ay merong dalawang numero ng telepono — pero habang tumatagal ang paglabas ng listahan ng bibigyan ng ayuda, lalong dumadami ang nagugutom. Baka pwedeng pag-aralan ang ating suggestion,” aniya.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, 18 million families ang tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid sa loob ng dalawang buwan, depende sa wage rate sa bawat rehiyon kung nasaan ang mga beneficiaries.

As of April 18, nasa 4 million families pa lang ang nabibigyan ng cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development.

Imahe mula sa Bandera

Loading…