Gary V. nakalikom ng P6-M sa online concert para sa frontliners

Imahe mula sa Facebook | Gary Valenciano
  • Nakalikom si Gary Valenciano ng P6 million sa ginawang dalawang araw na online concert sa pamamagitan ng Facebook live
  • Ito ay mapupunta sa dalawang foundation na tumutulong sa mga frontliner at mga naapektuhan ng enhanced community quarantine
  • Hinimok niya rin ang lahat na magkaisa sa kinahaharap na krisis dahil sa COVID-19

Nakalikom si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ng P6 million sa kaniyang ginawang dalawang araw na online concert sa pamamagitan ng Facebook live.

Imahe mula sa Facebook | Gary Valenciano

Paliwanag niya, ang “Gary V: Hopeful” ay isinagawa para sa Operation Blessing Foundation Philippines at Shining Light Foundation nang sa gayon ay maabutan ng tulong ang mga frontliners at iyong mga naapektuhan ang kabuhayan dahil sa enhanced community quarantine.

“This online concert is my way of thanking fans, friends, and supporters and it is a tribute to the unsung heroes of the COVID-19 pandemic,” saad niya pa.

Noong Sabado ay nakalikom siya ng mahigit P2.5 million habang ang online concert naman niya noong Linggo ay nakaipon ng mahigit P3.5 million.

Bukod sa total performance ng kaniyang mga sikat na kanta at iba pang mga gospel songs ay nagbigay rin ng makabuluhang paalala si Gary sa mga manonood.

Imahe mula sa Facebook | Gary Valenciano

Matatandaang sinabi niya noon na ipagdadasal niya si Pang. Rodrigo Duterte kaya naman nakatanggap siya ng pambabatikos.  Sa kabila nito ay sinabi niyang patuloy niyang ipananalangin ang pangulo at iba pang mga lider sa bansa.

“I am going to continue to pray for him and all the mayors, congressmen, governors, councilors, and barangay captains. I don’t know them by name but God does,” aniya.

“What comes to mind is the flag of the Philippines. ‘Di ba pag nangangampanya ang mga candidates iba’t ibang kulay ‘yan, but when you look at the flag, it’s blue, red, white, and yellow. You cannot create that flag without any of them.”

Marami nang mga singer ang nagsasagawa ng online show upang makalikom ng donasyon para sa mga frontliners. Sa isinagawang “Bayanihan Musikahan” ni Ryan Cayabyab ay nakalikom ng P1.8 million si Lea Salonga.

Loading…