Good vibes lang: Netizen, nag-ala Miss U sa interview ng ‘DSWD’ para sa SAP

  • Patok sa social media ang sagot ng isang netizen sa interview ng “DSWD” para sa social amelioration program
  • Kinaaliwan ng marami ang paggamit niya ng ilang bahagi ng speech ni Miss Universe 2018 Catriona Gray
  • Agad ring nag-viral ang video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Maraming Pinoy ang umaasa na makasama ang kanilang pamilya sa makatatanggap ng tulong mula sa social amelioration program (SAP) na inilunsad ng nasyunal na pamahalaan sa pamumuno ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Imahe mula sa Facebook video na in-upload ng LGBTQ Unity Facebook page

Dahil na rin sa patuloy na pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa ilang mga lugar at probinsiya, hindi pa rin makabalik sa trabaho ang ilang mga kababayan at tanging nagagawa na lang sa ngayon ay umasa sa tulong na makukuha mula sa gobyerno.

Sa Facebook, naghatid naman ng good vibes ang video ng isang netizen matapos nitong magbigay ng halimbawa kung paano dapat sumagot sa interview ng DSWD para sa social amelioration program.

Sa video na in-upload ng Facebook page na LGBTQ Unity noong April 24 , ipinamalas ng isang miyembro nito ang mala-Miss Universe na sagot sa interview para makasali sa SAP.

“Why should you be included in the social amelioration program?” tanong ng isa sa mga nasa likod ng video.

Dumayo pa ito sa tila isang liblib na lugar sa kanilang barangay para mapuntahan ang barong-barong na tirahan ng netizen.

“Because Ma’am I live in the slums of our barangay. And the life here is poor and it is so sad, and I’ve always taught myself to look for the beauty in it, to look in the beauty of the faces of the children and to be grateful,” sagot ng netizen.

Pagpapatuloy nito, “And I would bring this aspect as your neighbor to see situations with a silver lining. Where you give something, you could provide something for us, and you give something where negativity and C0VID-19 could not grow and foster, and children would have a smile on their faces.”

Marami naman ang naaliw sa video kaya agad itong nag-viral sa social media. Umani rin ang kuha ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

“Parang pang miss Universe pala ang question and answer para maka-avail ka sa SAP,” ani RR.

“Pang-Miss U pala! Hahaha,” natatawang sabi ni CGM.

“Tanggap na ‘yan. Bigyan ng P6,500 yan, CD, at jacket,” pabirong sabi naman ni MRB sa comment section ng post.

Source :

Facebook

Loading…