Good vibes: Sec. Karlo Nograles, nag-TikTok para sa frontliners

Imahe mula sa PNA at Twitter | Karlo Nograles
  • Marami ang naaliw sa ibinahaging TikTok video ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na iniaalay niya para sa mga frontliners
  • Sa saliw ng kantang ‘Fight Song’ ay sumayaw si Nograles bilang pasasalamat sa mga makabagong bayani
  • Natuwa rito ang ilang netizens dahil paalala raw ito na mag-loosen up sa gitna ng kinahaharap na pandemic

Kinaaliwan ng netizens ang ibinahaging TikTok video ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na iniaalay niya sa mga frontliners na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin upang tulungan ang bansa sa kinahaharap na COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Twitter | Karlo Nograles

Sa saliw ng kantang “Fight Song” ni Rachel Platten ay sumayaw si Nograles bilang pasasalamat sa mga makabagong bayani.

“Walang hanggang pasasalamat para sa ating frontliners na patuloy na nagseserbisyo para sa Inang Bayan,” aniya. May mga hashtag din itong Thank you, Frontliners, Beat COVID-19, We Heal As One, at Bahay Muna, Buhay Muna.

Komento ng Twitter user na si Lee, nagsilbing paalala ang video ni Nograles na mag-loosen up sa gitna ng mabigat na pinagdaraanan. “Most of the time, we see you very serious and this video reminded us to loosen up and have a break from all these mess. Nakaka-fresh ng feeling. Sana maging okay rin ang lahat,” aniya.

Source :

Twitter

Loading…