Guro, may mensahe sa mga mag–aaral sa kabila ng krisis

  • May paalala ang guro sa kaniyang mga mag–aaral 
  • Nagbigay siya ng anim na tagubilin na maaaring gawin nila upang maipakita ang tunay na pagmamahal sa bayan
  • Bago raw tangkaing baguhin ang mundo, simulan muna ito sa kani–kanilang mga sarili

Isa sa mga naapektuhan ng pananalasa ng COVID–19 bilang banta sa kalusugan, na nagbunsod naman sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, ang maayos na daloy ng taong pampanuruan 2019 hanggang 2020. Bigla na lamang kasing nasuspinde ang mga klase sa buong Luzon at iba pang lalawigan noong Marso 10, 2020, na nagtuloy–tuloy na hanggang Abril 14, at na–extend ba hanggang Abril 30.

Kaugnay nito, ginugugol ngayon ng marami sa mga mag–aaral ang kanilang oras sa social media. Ang iba ay dahil sa mga online classes o activities na ipinagagawa ng kanilang mga guro, ang iba naman ay upang magbasa at makapangalap ng mga impormasyon, at ang iba naman ay pampalipas–oras. Kaya naman, isang guro na nagngangalang “Ira Exconde” ang nagbigay ng paalala sa kaniyang mga mag–aaral sa pamamagitan ng Facebook post.

Public Domain Image

“To my students who are expressing their love for the country through posts, profile picture banners, and others, I am proud of you for taking a stand,” panimula ng mensahe ng guro na may himig–pamumuri sa kaniyang mga mag–aaral. Subalit iginiit niya ang kaniyang mga paalala at tagubilin sa kanila. Mas maipakikita raw ang “tunay” na pagmamahal sa bansa kung susundin ang kaniyang mga payo, kung sakali mang babalik na ang lahat sa normal.

Una raw, “When a classmate tells you ‘Hindi naman malalaman ni Miss. Walang magsusumbong ha!’ You don’t tolerate that. You stand for what’s right, even if it means your classmates will call you a ‘snitch’ (sipsip/sumbungero/sumbungera). If it’s wrong, it’s wrong.”

Pangalawa, “When you see litter (kalat/basura) lying around, you will no longer say, ‘That’s not mine,’ and then walk away. No matter who threw that there, no matter how tidy you are with your things, you pick it up and you put it where it should be. This includes wrappers of the food you secretly eat in class!”

Pangatlo, “When you notice an error in the lesson (e.g. grammar, spelling, information), you point it out politely. You do not laugh at it secretly or give your correction in a demeaning, I’m-smarter-than-everyone way.”

Pang–apat, “You do your best to be kind to EVERYONE. Yes, even THAT classmate whose mere existence annoys you. Yes, including the guards, the canteen personnel, or even the teacher you hate the most. You don’t walk around like you own the place, because you don’t. You don’t look at others like they are lower than you, because they aren’t. You all just simply co–exist.”

Public Domain Image

Panlima, “When you know you’ve done something wrong, you apologize, whether or not you get caught. After you say the cliché line, ‘Sorry, Miss, I won’t do it again,’ you consciously do your best not to do it again.”

Pang–anim at panghuli, “When you are asked to read, answer, practice, or understand something, you do so without using Instagram or playing mobile games in the classroom. The reason why so many people are misinformed is because they always skip an important step: understanding.”

Dagdag pa niya, “I am excited for all of you to start changing the world; but before you do that, try doing the most basic things I’ve listed above.”

Dahil sa mga kawalang–katiyakang nangyayari ngayon sa bansa at sa mundo, ipinagpapalagay na magbubukas ang mga klase sa darating na Hulyo o Agosto.

Source :

Facebook

Loading…