Harry Roque nagbalik bilang Presidential Spokesman, Panelo mananatiling Presidential chief legal counsel

  • Human Rights lawyer na si Harry Roque nagbalik bilang Presidential Spokesman
  • Si Salvador Panelo ay mananatili naman bilang Presidential Chief Legal Counsel
  • Kinakailangan ang bagong paraan ng paghahatid ng mensahe sa kasalukuyang krisis na nararanasan, paliwanag ni Panelo sa re-appointment ni Roque

Muling nagbalik si Human Rights lawyer Harry Roque bilang Presidential Spokeman matapos niyang tanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumamang muli sa kanyang administrasyon.

Imahe mula kay Salvador Panelo

Kinumpirma ito ni Salvador Panelo, ang humalili kay Roque bilang tagapagsalita ng Pangulo noong nagbitiw ito sa posisyon dahil sa kandidatura sa nakaraang eleksyon.

Pahayag ni Panelo, mananatili naman siya bilang chief legal counsel ni Pangulong Duterte.

“Yup, Harry Roque will be back to his previous post. I’m still the Chief Presidential Legal Counsel. I will be performing the same role as the President’s chief lawyer and issuing statements as such,” mensahe ni Panelo sa mga mamamahayag.

Paliwanag pa ni Panelo, sa kasalukuyang krisis na nararanasan ay kinakailangan ang bagong paraan ng paghahatid ng mensahe.

“The present crisis requires a new tack in messaging,” paliwanag ni Panelo sa re-appointment ni Roque.

Kinumpirma rin ng Presidential Communications ang pagbabalik ni Roque sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Imahe mula kay Salvador Panelo

“Harry Roque has accepted the offer of President Rodrigo Duterte to rejoin the Administration…. Welcome back, Secretary Roque,” sabi ni Presidential Communications Assistant Secretary Rachel Queenie Rodulfo.

Nagbitiw si Harry Roque  bilang Presidential Spokesman noong  2018 nang kumandidato siya sa pagka-senador, ngunit ilang araw bago magsimula ang campaign period ay umatras siya dahil sa isyu sa kanyang kalusugan.

Nagsimula si Roque sa kanyang trabaho nitong Lunes ng hapon, ika-13 ng Abril.

Imahe mula sa PCOO
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…