Health care workers sa India, ipinakita ang ibang paraan ng “handshake”

  • Good vibes ang hatid ng video ng dalawang doktor na sumasayaw mula sa bansang India
  • Ipinakita nila ang makabagong paraan ng handshake sa saliw ng awiting “Oh Nanana” ng BondeR300
  • Sa ngayon, ipinagbabawal muna ang pakikipagkamay dahil sa kautusang “social distancing” upang maiwasan ang pagpasa at pagkalat ng COVID–19

Itinuturing na makabagong bayani ngayon ang lahat ng mga health care workers tulad ng mga doktor, nurses, at iba pang mga medical staff na patuloy na nakikipagtunggali laban sa COVID–19 pandemic, habang karamihan sa atin ay nasa kani–kanilang mga tahanan.

Sa kabila ng pangamba, panganib, at banta sa kanilang pansariling kalusugan, nakukuha pa rin nilang libangin ang kanilang mga sarili upang maibsan ang kanilang mga nararamdaman. Gaya na lamang ng ibinahaging video ng sikat na TV host na si Ellen DeGeneres sa kaniyang Instagram post kaugnay ng #WorldHealthDay noong Abril 8.

Imahe mula sa Instagram posts ni Ellen DeGeneres

Makikita sa video ang dalawang doktor sa India na ipinakikita ang makabagong paraan ng pakikipagkamay o handshake sa saliw ng sikat na awiting “Oh Nanana” ng BondeR300. Lalong kinahumalingan ng mga tao ang naturang awitin dahil sa pp na “TikTok.”

Ayon sa caption ng post ni Ellen, “It’s #WorldHealthDay and I could not think of a better day to thank the brave healthcare workers on the frontline of this. Who do you wanna thank?”

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga banyagang netizens.

Sabi ng isa, “I wanna thank you all for your bravery and devotion in saving and caring for all those COVID–19 patients in Calgary. Please stay safe for all of us!”

“Is that the new way of shaking hands? That’s cool. I wanna do that with my 78 year–old grand momma…” turan naman ng isa.

Sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo, mahigpit na ipinatutupad ang social at physical distancing. Ipinagbabawal ang anumang pagsasama–sama o pagpapangkat–pangkat ng mga tao dahil maaaring magkahawaan dito sa pamamagitan ng droplets.

Imahe mula sa Instagram posts ni Ellen DeGeneres

I–click ang larawan at panoorin ang aktwal na video ng makabagong handshake mula sa Instagram post ni Ellen DeGeneres:

Loading…