Heart Evangelista, mamimigay ng vitamin C sa mga Grab drivers, guwardiya, at mga staff ng ospital

  • Magbibigay si Heart Evangelista ng vitamin C para sa ating mga frontliners
  • Prayoridad niyang mabigyan ang mga guwardiya, Grab drivers, at h0spital staff na tuloy pa rin ang trabaho kahit ECQ
  • Marami naman ang humanga sa patuloy na pagbibigay ng tulong ng Kapuso actress

Kilala ang aktres na si Heart Evangelista hindi lamang dahil sa mga proyekto niya sa telebisyon at pelikula. Naging tanyag din siya dahil sa kanyang pagiging fashionista na kadalasang nagiging dahilan para maging trending siya.

Ngunit sa likod ng glamorosong imahe ni Heart, ngayong may kinahaharap na krisis ang bansa ay lumalabas ang tunay na kinang niya bilang isang indibidwal na mayroong pagmamahal sa kanyang kapuwa. Iba’t iba kasi ang paraan ni Heart upang tumulong sa mga frontliners natin na patuloy na nakikidigma sa C0VID-19.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Ang pinakabagong tulong na ihahandog ni Heart ay ang vitamin C para sa mga Grab Drivers, guwardiya, at staff ng mga pagamutan upang magbigay ng mas malakas na resistensiya sa mga ito at magpatuloy ang kanilang paglilingkod sa bayan na kailangan ng madla sa ngayon.

Sa isang Instagram post, ibinihagi ni Heart ang mga kahon ng vitamin C mula sa isang brand na kanyang ineendorso. Balak daw niya itong ibigay sa mga frontliners kasabay ng kanyang panalangin na nawa ay matapos na ang kinahaharap nating mga suliranin ngayon.

“We fight as one. Sending some Vitamin C to our unsung heroes—Grab drivers, guards, hospital staff, and also some to Sorsogon. Hoping and praying that this will be over soon,” pahayag ni Heart sa kanyang post na mayroon nang higit 60,000 likes sa kasalukuyan.

Kamakailan lamang din ay ibinihagi ng Kapuso star na dahil sa mga nangyayari ay hindi niya maiwasang makaramdam ng madalas na tak0t. Ngunit patuloy daw niyang kinukumbinsi ang kanyang sarili na maging masaya pa rin at ituon ang oras at panahon sa mga makabuluhang bagay.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Nagpaabot naman ng paghanga sa kanya ang Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach dahil sa kabila raw ng personal na pinagdaraanan ni Heart ay nagagawa pa rin nitong magapaabot ng ayuda sa mga frontliners.

“It’s so nice to see that despite you battling your own anxieties you still have a big heart to look after others even in small ways. That takes real strength,” pahayag ni Pia.

Loading…