Herbal medicine para sa COVID-19? DOST pinag-aaralan ang bisa ng tawa-tawa plant at lagundi kontra pandemic

  • Pinag-aaralan na rin daw ng DOST ang ilang herbal plants bilang lunas sa C0VID-19
  • Ilan sa mga pinag-aaralan ay ang mga halamang tawa-tawa at lagundi
  • Inaaral na rin daw ng pamahalaan ang iba pang laboratory-made medicines bilang panlaban sa pandemic

Patuloy ang pagtuklas sa lunas para sa pandemic na C0VID-19. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga apektado sa Pilipinas at iba’t ibang bahagi ng mundo kaya naman nagkukumahog na ang mga siyentipiko na malikha o makahanap ng gam0t para dito.

Sa Pilipinas, pinangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang paghahanap ng lunas at pag-aaral sa ilang herbal medicines kung makatutulong nga ba sa pagpuksa sa C0VID-19. Una nang naiulat ang pag-aaral sa potensiyal ng virgin coconut oil (VCO) bilang supplement sa mga pasyente.

Larawan mula sa Wikipedia

Ngayon naman, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-aaralan na rin ng DOST ang mga halamang gam0t na tawa-tawa at lagundi. Katulad ng VCO, magiging supplements umano ang dalawang halaman at titignan ang epekto nito sa mga C0VID positive.

“Mayroon na po tayong apat na gam0t na sina-subject po natin for clinical trial.  Pang-apat na pag-aaral ay may kinalaman po sa herbal drugs. Isa sa tinitingnan ay ang lagundi po,” pahayag ni Roque.

Matatandaang ang lagundi ay ginagamit na talagang gamot ngayon. Sa katunayan, maraming medicine brands ang naglabas ng syrup at capsule na nagtataglay ng lagundi dahil napatunayang natural itong lunas para sa ub0, hika, at sip0n.

Pero ang maituturing na pinakamalaking inobasyon ay ang pag-aaral sa dahon ng tawa-tawa. Matagal na kasing nababalita na mabisa ito at palihim na ginagamit ng mayroong dengue. Ipinagbabawal kasi noon ng mga doktor ang pagpapasok ng tawa-tawa sa pagamutan dahil baka lalo raw itong makasama sa pasyente dahil wala pang pag-aaral tungkol dito noon.

Larawan mula sa Facebook

Inihayag ni Roque na kasama ang tawa-tawa sa pinag-aaralan at tinitingnan ang potensiyal bilang lunas sa pandemic. Kasama raw na sinusuri ng mga eksperto natin ay ang iba pang synthetic medicine gaya ng chloroquine at hydrochloroquine.

Ngunit ayon sa pamahalaan, ngayong wala pang mabisang lunas para sa C0VID-19, kailangan daw muna nating magtiis sa pag-stay at home at pagsasagawa ng social distancing upang tuluyan nang maisagawa ang pag-flatten ng curve.

Panoorin ang ulat ng GMA News tungkol sa tawa-tawa at lagundi plant:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…