Hiling na ipa-deport ang OFW na bumatikos kay Duterte, hindi pinayagan ng Taiwan government

  • Hiling ng DOLE na ipa-deport ang OFW na bumatikos kay Pangulong Duterte, hindi pinayagan
  • Sabi ng Taiwan, may kalayaan si Elanel Egot Ordidor sa pamamahayag
  • At hindi umano ito maaaring maipagkait sa kanya

Tinanggihan ng pamahalaan ng Taiwan ang hiling ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Pilipinas na ipa-deport ang isang Pinay caregiver dahil sa pambabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Image capture from video by AMBISYOSA V via Facebook

Ayon sa GMA News, sinabi ng Taiwan’s Ministry of Foreign Affairs (MOFA) nitong Martes na may kalayaan si Elanel Egot Ordidor sa pamamahayag alinsunod sa umiiral na batas sa kanilang bansa.

Nasabi rin ng MOFA na katulad ng lahat ng nakatira sa Taiwan, hindi maaaring maipagkait sa kanya ang kalayaang ito.

Matatandaang ang Taiwan ay kilala bilang isa sa mga “freest countries” sa buong mundo.

Sabi ng MOFA, batay sa Taiwanese media na UDN, “Taiwan is a sovereign, independent country where foreign workers enjoy ‘citizen treatment,’ and their rights and interests are protected by relevant laws and regulations, including freedom of speech, which should be respected by governments of all countries.”

Dagdag pa nito, “No person or institution, in this case, has the right to pressure her, her employer, or broker, nor shall she be deported without consultations held between both governments.”

Nabanggit sa Taiwan News na may Facebook handle na Linn Silawan ang OFW. Gamit ito, nag-post siya ng tatlong minutong bidyo kung saan binatikos niya ang mga diumano’y malulupit na patakarang ipinapatupad ng pangulo habang naka-lockdown ang bansa.

Pahayag ni Philippine Labor Attaché in Taiwan Fidel Macauyag, pagbabahagi ng Inquirer, layunin ng post na magdala ng galit kay Duterte habang nakikibaka ang bansa sa COVID-19.

Dagdag niya, ang nagawa ng OFW ay maaaring katumbas ng isang krimen kung saan maaari siyang mapanagot pareho sa Taiwan at Pilipinas.

Itinanggi naman ng Malakanyang na may kinalaman sila sa hiling na pagpapa-deport kay Elanel.

Image by DOLE via Facebook

Sinabi ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), overseas arm ng DOLE, na nangako ang OFW na buburahin nito ang bidyong ini-upload at gagawa ng public apology.

Subalit napag-alaman na diumano’y mayroon pa itong ibang social media accounts na siyang patuloy na ginagamit para batikusin ang pamahalaan at ang pangulo.

Public Domain Photo

Loading…