Hindi mga benepisyaryo nabigyan din: DSWD iniimbestigahan ang paghahati-hati ng cash aid sa Isabela

  • Mga residente ng Cabatuan, Isabela kalahati lang ng P5,500 cash aid sa ilalim ng SAP ang natanggap
  • Reklamo ng mga residente hinati ang ayuda upang mabigyan ang ibang residente na hindi kabilang sa listahan ng mga beneficiaries
  • Nagpadala ng isang team ang DSWD upang imbestigahan ang pamamahaging ginawa ng lokal na pamahalaan ng Cabatuan

Nagpadala ng isang team ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magsagawa ng imbestigasyon sa diumano ay paghahati-hati ng cash grants sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa isang bayan sa Isabela.

Imahe mula sa DSWD Region II

Nakatanggap ang DSWD ng reklamo mula sa mga residente ng Cabatuan, Isabela dahil ang P5,500 cash aid na dapat nilang matanggap mula sa pamahalaan upang makaagapay sila sa epekto ng umiiral na enhanced community quarantine ay hinati.

Ang kalahati ay ibinigay umano sa ibang residente na hindi naman kabilang sa listahan ng mga beneficiaries.

Ang DSWD ay naglaan ng P80 million para sa 7,282 families na kabilang sa poorest of the poor sa Cabatuan. Sa kabuuan ay may mahigit 13,000 families sa naturang bayan.

Sinabi ni Chester Trinidad, ang regional information officer ng DSWD Cagayan Valley office, na malinaw ang sinasaad ng omnibus guideline na sinusunod nila tungkol sa pamamahagi ng emergency cash subsidy – ang ayuda ay para lang sa mga qualified beneficiaries.

“The omnibus guidelines are clear. The assistance should be for identified and qualified beneficiaries. The P5,500 should be given in full to the qualified beneficiary, not shared with others,” paliwanag ni Trinidad.

Imahe mula sa Bombo Radyo

Maaari umanong maharap sa kaso ang mga local government unit kung may ginawang lihis sa guidelines ng SAP.

“If there is deviation, like the money was given to unqualified beneficiaries, the local government may face criminal, civil, or administrative charges,” ayon pa sa DSWD officer.

Itinanggi naman ni Cabatuan Mayor Ton Ton Uy na siya ang nag-utos na hati-hatiin ang ayuda.

Nilinaw ng alkalde na ang sinabi niya noon na kung maaari ay mabigyan ang bawat isa o kaya naman ay hatiin na lamang ang nasabing ayuda para lahat ay makatanggap ay sariling opinyon niya lang.

Imahe mula sa Bombo Radyo

Aniya, sinabi niya ang opinyon noong wala pang guidelines na inilalabas ang DSWD tungkol sa SAP.

Nang maibaba na sa kanilang bayan ang guidelines ay agad raw niyang pinulong ang mga barangay officials na walang sinumang maaaring makialam sa nasabing programa dahil iyon ay utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Loading…