Hoarder ng toilet paper sinubukang isauli ang mga binili, mariing tinanggihan ng supermarket owner

  • Supermarket owner tumangging i-refund ang pera ng isang hoarder na nagtangkang isauli ang maraming toilet paper at hand sanitizer na binili
  • Plano ng hoarder na i-resell online ang mga produkto
  • Hindi pinayagan ng eBay ang hoarder na maibenta ang mga produkto sa sobrang taas na presyo

Galit na tumanggi ang isang may-ari ng isang local supermarket sa Australia sa isang customer na nagtangkang isauli ang napakaraming toilet paper at sanitizer na binili nito noong nagkaroon ng panic buying sa pagsisimula ng coronavirus outbreak.

Imahe mula sa The Wife Choice

Bumili ang naturang customer ng 4,800 rolls  ng toilet paper at 150 bottles ng 1-liter hand sanitizer na plano nitong ibenta online sa mas mataas na presyo.

Ayon kay John Paul Drake, may-ari ng Drakes Supermarkets sa Adelaide, gustong isauli ng hoarder ang mga binili nito at ma-refund ang ibinayad na nagkakahalaga ng $10,000 dahil hindi umano ito pinayagan ng eBay, isang online marketplace, na ibenta ang mga nabanggit na produkto.

Sa isang video na ibinahagi niya sa YouTube, ikinuwento ni Drake ang naging pakikipag-usap niya sa hoarder na nagtatangkang magsoli ng mga produktong binili.

“2020…the year of toilet paper. The scenes that everyone has seen with the toilet paper have been absolutely ridiculous. I had my first customer yesterday who said he wanted to get a refund on 150 packets of 32-pack toilet paper and 150 units of one-litre hand sanitiser,” kuwento ni Drake.

“My eBay site has been shut down, so we couldn’t profiteer off that,” sabi umano sa kanya ng customer.

Ipinakita ni Drake sa video ang middle finger niya. Iyon daw ang sagot niya sa hoarder na gustong mag-refund.

Screenshot mula sa video ni John Paul Drake via YouTube

“I told him that. That is the sort of person who is causing the problem in the whole country,” aniya.

Sa isang post sa LinkedIn, isiniwalat ni Drake na ang nasabing customer ay gumamit ng 20 tao na bumiIi ng isang pack ng toilet paper sa iba’t ibang sangay ng Drakes Supermarkets.

Source :

News, ABC

Loading…