Hula hoop challenge ni Kim Chiu, naghatid ng good vibes

  • Good vibes ang dala ni Kim Chiu sa latest challenge video niya sa Instagram
  • Habang naglilinis ng bahay ay nakita ni Kim ang isang hula hoop
  • Nagkaroon siya ng bagong ideya para sa bagong exercise routine

Naghatid ng good vibes ang paghula-hoop ng tinaguriang “chinita princess” na si Kim Chiu. Isa sa mga goals ni Kim ngayon community quarantine ay ang mapanatiling malusog at malakas ang kaniyang pangangatawan kaya doble ang kaniyang pag-eehersisyo kahit nasa loob ng bahay.

Kung noong mga nakaraang linggo ay nakapokus si Kim sa kaniyang “1000 Jump Challenge, ngayon naman ay ang mas pinabongga niyang “1000 Circles Challenge” at “Hula Hoop Challenge.”

Imahe mula sa Instagram account ni Kim Chiu

“Woke up to enriched enhanced community quarantine! Sana hindi ito umabot sa fortified enriched enhanced community quarantine baka maging bata na tayo paglabas ng bahay, naging gatas na kasi. Eme lang,” pagbibiro ni Kim sa kaniyang Instagram post.

Nais lamang ni Kim na pagaanin ang kaniyang nararamdaman sa kabila ng mabigat na sitwasyong ating nararanasan.

“Just trying to make things light no matter how hard the situation is right now,” paliwanag ni Kim.

Dahil bahagi ng araw-araw niyang routine ang paglilinis ng bahay, nakita niya ang isang hula hoop na nagbigay sa kaniya ng magandang ideya para sa mga susunod niyang workout routine.

“Found this hula hoop while cleaning upstairs. Might as well use this for another round of #1000CirclesChallenge #HulaHoopChallenge. Let’s go!” dagdag ni Kim.

Nakaaaliw panoorin ang pag-hula hoop ni Kim. Nakakaengganyo rin ang kaniyang ngiti kung saan bakas na bakas ang kaniyang kasiyahan. Marahil pakiramdam ni Kim ay nagbalik siya sa pagkabata.

Ang video ni Kim ay may mahigit nang 600K views sa mga sandaling sinusulat ito.

Kabilang sa mga nagkomento sa kaniyang post ay si Dr. Vicky Belo na sinabing “It’s a great exercise for your waist.”

Imahe mula sa Instagram account ni Kim Chiu

“This made me smile! Thank you,” ayon naman kay Bernadette Sembrano-Aguinaldo.

Marami rin ang nakulitan, nagalingan, at humanga sa kasipagan ni Kim sa pag-eehersisyo.

Maaaring panoorin ang pag-hula hoops ni Kim sa ibaba:

Loading…