‘I am PH 2828:’ Howie Severino, ibinahagi ang mga aral sa pakikipaglaban sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Howie Severino
  • Si PH 2828 ay ang batikang journalist na si Howie Severino
  • Matapos na maka-recover sa COVID-19 ay ibinahagi niya ang kaniyang karanasan at mga aral na natutunan
  • Handa raw siyang mag-donate ng plasma para sa mga pasyenteng nasa kritikal na lagay

Matapos ang mahigit isang linggong pakikipaglaban sa COVID-19, napagdesisyunan ng journalist na Howie Severino o PH 2828 na lumantad upang ibahagi ang kaniyang kuwento.

Imahe mula sa Facebook | Howie Severino

Aniya, naiintindihan niya kung bakit marami ang pinipiling huwag ipaalam ang kanilang kondisyon dahil sa stigma na nakadikit sa virus na ito.

“One of my fellow COVID patients in the hospital can’t go home because his condo building won’t let him move back, despite already testing negative for the virus,” aniya sa isang artikulo na isinulat niya sa GMA News. “I am one of the lucky ones who have been able to go home, resume a semblance of my former life, and live to tell the tale.”

Isa raw sa mga natutunan ni Howie ay obligasyon ng COVID patients ang maging transparent sa kanilang kondisyon.

“One of my more critical decisions was informing my close neighbors. They reacted with compassion and appreciation for the information, but I’m not sure how they would have reacted if they found out later or through the barangay,” sabi ni Howie.

Dagdag pa niya, bagama’t kinakailangan ng isolation sa sakit na ito ay hindi nangangahulugan na malungkot ito.

Gamit ang kaniyang cellphone ay nakakausap pa rin ni Howie ang kaniyang mga mahal sa buhay. Maging ang mga health worker na nag-aasikaso sa kaniya ay nakilala na rin niya.

Dahil dito ay napagtanto niyang kailangan ng COVID-19 patients ang higit sa “get well soon” messages. “Share family news, your playlists, jokes and memes, anything that can offer a respite from the constant reminders of our condition. We do not need more pity,” aniya.

Hindi rin daw dapat tingnan na death sentence ang COVID-19. “I am living proof. A combination of good fortune, physical fitness and competent medical treatment probably saved my life,” sabi ni Howie.

Imahe mula sa Facebook | Howie Severino

Inamin din niya na noong una ay nahirapan siyang harapin ang sakit ngunit sa tulong ng kaniyang misis ay natuto siyang mag-meditate.

“In the dark, I closed my eyes, imagined lavender fields, and started counting to 100. I was trying to dispel the dreadful thoughts and finally fell asleep before the count of 100.”

Napatunayan niya rin na tunay na mga bayani ang mga frontliner na ginagampanan ang kanilang tungkulin dahil nang makipag-ugnayan ang asawa sa isang private nursing agency ay iisa lamang ang tumugon. Sa kabutihang palad ay interesado ito sa documentary kaya naman naging libangan din ni Howie ang pagtuturo rito.

Ngayong magaling na ay handa siyang mag-donate ng plasma upang makatulong sa mga nasa kritikal na kondisyon. “I’ll be glad to donate this accidental gift. It’s a small price for all survivors to pay for the chance to see the sun again.”

Source :

GMA News

Loading…