Ilang COVID-19 patients sa PGH na nasalinan ng plasma bumubuti ang kondisyon

  • Mga pasyenteng sinalinan ng plasma mula sa mga COVID-19 patients na gumaling, bumuti ang kondisyon
  • Ang plasma mula sa mga donor ay ginagamit ng PGH sa mga pasyenteng kritikal ang lagay
  • Pinag-aaralan pa kung kailan dapat gamitin ang plasma sa mga pasyenteng ang kondisyon ay mild to moderate
  • Nanawagan ang PGH ng plasma donations mula sa mga donor na hindi lalampas sa 60 ang edad

Bumuti ang kalagayan ng apat na COVID-19 patients sa Philippine General Hospital (PGH) na dati ay kritikal ang kondisyon matapos masalinan ng plasma mula sa mga pasyenteng nakarekober na sa coronavirus disease.

Screenshot mula sa GMA video

Ang plasma mula sa mga gumaling na pasyente ay may antibodies na lumalaban sa COVID-19 ay pinaniniwalaang makatutulong sa pasyenteng infected ng coronavirus.

Isiniwalat ni Dr. Jonas Del Rosario, ang tagapagsalita ng PGH, na apat sa anim na pasyenteng sumailalim sa convalescent plasma therapy ay bumuti na ang kalagayan. Bagama’t nananatili pa rin sa intensive care unit (ICU) ang tatlo sa apat na pasyente, stable at patuloy na bumubuti ang lagay nila, samantalang ang ika-apat ay nakalabas na ng ICU.

“Of the six, four are actually doing well, one is already out of the ICU…in the recovery phase. Three are still in the ICU but stable and improving,” ani Dr. Del Rosario.

“Hindi namin sinasabing 100 percent gagaling o makakatulong ‘yung plasma pero just the same, kasi paniwala namin ‘yung antibodies po na ito galing sa plasma ay dagdag gamot para sa mga taong hindi pa nakaka-recover sa COVID-19,” paglilinaw niya.

Screenshot mula sa GMA video

Sa ngayon ang plasma mula sa mga donor ay ginagamit ng PGH sa mga pasyenteng kritikal ang lagay. Masusi pa nilang pinag-aaralan kung kailan dapat gamitin ang plasma sa mga pasyenteng ang kondisyon ay mild to moderate.

“The moment that the institutional research board of UP Manila approves of the proposal, we will give it to those mild to moderate cases so ICU admissions will be prevented. Once it is approved that’s gonna be the way to go for us now,” ani Del Rosario.

Dahil sa magandang resulta, nanawagan ang PGH ng plasma donations. Ang donor ay hindi dapat lalampas sa 60 ang edad.

Loading…