Ilang mga “pasaway” sa Nueva Ecija, naispatang nagsusugal sa kabila ng ECQ

  • Ilang mga residente sa isang barangay sa Nueva Ecija ang naispatang nagsusugal
  • Nilabag umano nila ang direktiba ng ECQ at PD 1602 o Anti–Illegal Gambling
  • Karamihan sa mga nahuli ay mga kasapi ng 4P’s ng DSWD

Isa sa mga protocols na ipinatutupad kaugnay ng enhanced community quarantine ay pagsunod sa social distancing. Bukod sa pagpapanatili ng agwat na may 1 metro sa isa’t isa, ipinagbabawal din ang anomang malawakan o malakihang gawain o pagtitipon saanmang lugar. Kabilang dito ang mga umpuan sa inuman at maging sa sugalan.

Isa sa mga lumabag dito ang ilang mga “pasaway” sa Barangay Sibut, San Jose City, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Naispatan ng pulisya, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Heryl “Daguit” Bruno, ang ilang mga residente na nagsusugal sa kabila ng ipinatutupad na ECQ. Makikita ito sa Facebook page ng mismong lieutenant colonel.

Imahe mula sa Facebook page ni P/Lt. Col. Heryl “Daguit” Bruno

Ayon sa kaniya, 15 katao ang kanilang hinuli, na pawang mga kasapi ng kontrobersiyal na 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Dalawang panuntunan umano ang nilabag ng mga ito: kautusan hinggil sa ECQ at Presidential Decree 1602 o ilegal na pagsusugal.

“15 PERSON ARRESTED WHEREAS SOME OF THEM ARE MEMBERS OF 4P’s. FOR VIOLATION OF ECQ AND PD 1602 (ILLEGAL GAMBLING),” ayon sa post.

Umani naman ito ng samo’t saring komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Mga pasaway nga! This is the proof that many 4P’s beneficiaries are not deserving, ginagamit lang pansugal at sabong instead of basic needs ang bilihin, sa bisyo lang napupunta.”

“Wake up to government, review, revise, or reform the guidelines of 4P’s. Dapat i–disqualify na mga iyan as 4P’s beneficiaries, sayang lang tax ko,” bulalas naman ng isa.

Papuri naman ng isa, “Good job po sir,  salute! Kahit saan ka mapunta, work, work, work, pa rin ingat and God bless po! At sa mga 4P’s members na nahuli, kay huhusay ninyo magreklamo na kulang ang ayuda ng gobyerno sa inyo at tapos sa sugal ninyo lang uubusin, kakapal ng mukha ninyo.”

Imahe mula sa Facebook page ni P/Lt. Col. Heryl “Daguit” Bruno

Tandaan, upang mapagtagumpayan natin ang laban kontra COVID–19, pakikiisa at pagkakaisa ang ating kailangan.

Loading…