Ilang mga residente, naligo sa Manila Bay sa kabila ng ECQ

  • Naispatan ang ilang mga residente na naliligo sa Manila Bay
  • Malinaw na ito ay paglabag sa panuntunan ng Enhanced Community Quarantine
  • Bukod dito, masyadong marumi ang tubig sa naturang anyong–tubig

Para sa ilang mga pamilyang Pilipino, isang tradisyon ang paliligo sa dagat sa tuwing sasapit ang “Pasko ng Pagkabuhay” o Easter Sunday. Subalit sa panahon ng Enhanced Community Quarantine kung saan mahigpit na ipinatutupad ang social distancing, ito ay pansamantala munang ipinagbabawal.

Subalit hindi ito inalintana ng ilang mga residente matapos maligo na tila nasa Boracay sa Manila Bay, sa tabi ng isang sikat na mall sa Pasay Cityl gayundin sa Navotas baywalk.

Makikita sa Facebook page ng “Philippine News Agency” ang ilang larawan ng mga nagsiligo at karamihan sa kanila ay mga bata.

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine News Agency

“Some Filipinos celebrate Easter Sunday (April 12, 2020) by bathing in the sea near a mall in Pasay City and at Navotas Baywalk despite the implementation of the enhanced community quarantine in the entirety of Luzon,” ayon sa caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The government must take EXTREME MEASURES, really, as in NOW!!! Otherwise, in a few weeks there’ll be hundreds of deaths! They’re not really flattening the curve, they’re just DELAYING it… ECQ IS GOOD, but with poor implementation, it’s just delaying the inevitable. May God Bless this country despite these people,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “We keep on praying that may God heal our land and yet there are these people who are not cooperating at all. Our frontliners are risking their lives to save those who are infected… My God, please enlighten their minds that without their cooperation, healing is impossible.”

Pahayag naman ng isa, “Good to see the poorest of the poor is enjoying life to the fullest.”

Agad na sinita ang mga naturang residente dahil bukod sa paglabag sa ECQ, hindi rin iminumungkahi ang paliligo sa Manila Bay dahil sa marumi nitong tubig. Makaliligtas nga ang tao sa sakit na dulot ng virus, maaari namang makakuha ng ibang sakit sa paglangoy sa tubig nito.

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine News Agency

Hinihikayat din ang publiko na makiisa sa labang ito at huwag maging matigas ang ulo.

Loading…