Ilang SHS students nahihirapan daw sa pagsusulat sa wikang English, ayon sa isang pag-aaral

  • Hirap daw ang marami sa mga senior high school students na magsulat gamit ang wikang Ingles 
  • Ayon sa pag-aaral ng PISA, nalaman nilang hindi makagamit ng wastong English ang mga SHS sa kanilang mga requirements
  • Inisa-isa rin ng PISA ang mga kakulangan ng DepEd kung bakit ganito ang naging resulta ng kasanayan sa English ng mga mag-aaral

Kamakailan ay lumabas sa isang pag-aaral ang nakapanlulumong resulta ng isang pag-aaral tungkol sa reading comprehension o kakayahang unawain ang binasa ng mga Pilipino. Pinakamababa ang Pilipinas sa 79 bansang sinuri ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2019.

At ngayong 2020, isang dagok na naman sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang kinahaharap natin dahil lumabas naman sa isang pag-aaral na malaking bahagdan ng mga senior high school (SHS) students ay hindi raw marunong magsulat ng disenteng pangungusap sa English.

Larawan mula sa PNA

Ayon sa artikulong inilabas ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), lumabas sa kanilang pag-aaral ang kinahaharap na pagsubok ng mga SHS students sa paggawa ng maayos na English sentence sa mga papel na ginagawa nila tulad ng research paper na kailangan upang makumpleto ang kanilang mga kurso sa haiskul.

“According to Karen Brillantes, a consultant of PIDS, some senior high school (SHS) students cannot write even a decent English sentence. This is particularly evident in research subjects, where students are required to produce research papers to pass a course,” ayon sa Facebook post ng PIDS.

Ngunit ang suliranin daw na ito ay hindi dahil sa katamaran ng mga mag-aaral o sa pagiging hindi epektibo ng mga guro, kung hindi napag-alaman ng PIDS na masyadong mabigat ang curricula ng SHS at tila para sa mas advanced learners tulad ng science high school learners sa Kamaynilaan.

Maging ang mga SHS teachers ay naiulat na nakararanas din ng pagsub0k sa pagsasagawa ng curricula dahil sa kakulangan ng panuntunan, materyales, at paghahanda. Isang malaking hadlang din sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang kakulangan sa resources upang wastong mabalanse ang academics, arts, at sports classes.

Larawan mula sa Wikipedia

Isa ring itinuturong dahilan ay ang kakulangan ng computer units sa mga paaralan, lalo na iyong mga nasa urban areas, na nagiging balakid sa mga mag-aaral upang matuto sa kanilang asignaturang computer literacy na English din ang karaniwang ginagamit na wika.

Inihayag ni Brillantes na kailangang magkaroon ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang maayos ang sistema at matugunan ang kinakaharap na suliranin ng mga guro at mag-aaral sa SHS.

Loading…