
- Dalawang illegal Chinese clinics ang sinalakay ng mga awtoridad sa Parañaque
- Sari-saring uri ng mga g
amot kabilang ang diumano’y panlunas sa COVID-19 ang nakumpiska - Hiniling ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ma-deport ang mga Chinese operators ng Chinese clinics
Sinalakay ng mga awtoridad sa Barangay Baclaran, Parañaque ang dalawang Chinese clinics na ilegal ang operasyon kung saan nakumpiska ang sari-saring uri ng mga medisina kabilang ang diumano’y panlunas sa COVID-19.

“They have all kinds of medicines. Na-amaze ako kasi puro injectables silang lahat. Kakaunti ‘yung oral meds, madami ding through IV (intravenous) fluid,” sabi ni Parañaque City Health Officer Dr. Olga Virtusio.
Sa video na ibinahagi ni Kapitan Jun Zaide ng Barangay Baclaran, makikita ang kahon-kahong gamot at iba pang medical supplies na mula sa China tulad ng dextrose, antibiotics, anti-viral at mga medisina para sa STD.
Ipinakita rin sa naturang video ang ilang kama sa loob ng klinika at mga upuan na ang bawat isa ay may IV stand.
“Going inside, makikita mo mga upuan, with facility for IV infusion, meron siyang mga IV stand bawat upuan. May beds pero hindi siya enough beds for hospitalization. This is parang clinic lang ito eh. not a hospital,” ani Dr. Virtusio.
Ayon pa kay Dr. Virtusio, may mga saksi na nakakitang labas-pasok ang mga pasyenteng Tsino sa illegal na clinic na diumano ay tatlong linggo pa lang nag-o-operate.
“Madaming nakakakita na may pumupunta. Kumukuha ng gamot, at may mga pumapasok in and out na nakadextrose. May mga witnesses, naka-IV fluid,” anang doktor.

Ipinasara na ng lokal na pamahalaan ang naturang establisimyento. Sa di-kalayuan, isa pang klinika ang pinasok ng mga awtoridad kung saan isang Chinese national ang nagpakilalalang isang doktor. Nagprisinta pa umano ito ng kanyang lisensya.
Ang mga nakumpiskang gamot ay dadalhin sa Food and Drug Administration upang masuri.
Nanawagan naman si Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa Bureau of Immigtation na i-deport ang mga Chinese nationals na may-ari ng Chinese clinics.
