Isang medical firm sa Israel, gumagamit umano ng placenta sa paglunas sa COVID-19 dahil epektibo ito

  • Pinag-aaralan sa Israel at America ang bisa ng placenta upang masugpo ang C0VID-19
  • Isang medical firm sa Israel ang nagsasabing bumuti ang lagay ng mga pasyenteng binigyan nila nito
  • Patuloy pa ang pag-aaral sa nasabing lunas at kung maaaprubahan ay gagawa umano sila ng marami nito

Noong nakaraan lang ay inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang magbigay ang pamahalaan ng sampung milyong piso sa sinumang makapagbibigay ng mabisang lunas para sa pandemic na kinahaharap ng Pilipinas at buong mundo na C0VID-19.

Ngunit sa bansang Israel, natagpuan na umano ng isang tanggapan ang lunas para sa nasabing karamdaman at kita na raw ang epekto nito sa ilang pasyenteng patuloy na bumubuti ang kondisyon. Ayon sa mga siyentipiko mula sa Pluristem Therapeutics, gumagamit umano sila ng placenta upang gamutin ang ilang pasyente sa 0spital.

Larawan mula sa Freepik

Una umanong ibinigay ang PLX cell therapy (placenta) sa pitong Israeli patients na lahat daw ay bumuti ang lagay. Tatlo nga raw sa mga ito ang maaari nang tanggalin ang ventilators sa mga susunod na araw. Gumanda rin umano ang lagay ng mga pasyenteng bumigay na ang ilang organs bago mabigyan ng placenta. Dahil dito,  ginamit na rin ng medical firm ang placenta sa unang American patient upang masubukan ang pagiging epektibo nito.

Ginamit umano sa isang pasyente sa New Jersey ang placenta kung saan gumagawa rin ng bukod na pag-aaral ang Pluristem. Kritikal daw ang pasyenteng binigyan ng placenta sa US ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring update ang medical firm tungkol sa lagay ng pasyente sa kasalukuyan.

Upang patuloy na masuri ang pagiging mabisa, sinabi ng CEO ng Pluristem na si Yaky Yanay na susunod na ang clinical trials para sa placenta. Ayon sa CEO na sa oras na maaprubahan ang PLX cell therapy ay agad raw silang makagagawa ng libo-libong placenta cells para mas marami pa ang gumaling.

Ang isang placenta kasi ay kaya umanong gumamot ng nasa 20,000 C0VID-19 positive patients kaya naman hiling ni Yanay na maging mabilis ang pag-aaral tungkol dito upang mas maraming mamamayan ang kanilang mailigtas.

Larawan mula sa LinkedIn

Ngunit sa isang pahayag, sinabi ng public health expert mula sa Israel na si Manfred Green na duda siya sa kakayahan ng placenta bilang gamot. Sinabi niyang hindi raw ito magwo-work dahil wala pa raw nahahanap na mabisang lunas sa mga viral diseases.

Gayunman, iginiit ni Yanay ang epekto ng placenta sa mga nabigyan nila nito. Idiniin niyang tunay na gumanda ang lagay ng mga nasa ICU nang makatanggap ng PLX cell therapy. Sa ngayon ay naghihintay pa rin ng approval ang Pluristem mula sa health department ng Israel at US.

Loading…