Isang preso sa New Bilibid Prison nagpositibo sa COVID-19

  • Nagpositibo sa COVID-19 ang isang preso sa New Bilibid Prison
  • Ang apatnapung preso na nakahalubilo ng pasyente ay isinailalim na sa quarantine
  • Ang mga health workers ng NBP hospital na nag-asikaso sa pasyente ay naka-quarantine na rin

Isang preso sa medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang nagpositibo sa COVID-19. Ito ang unang kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit sa loob ng national penitentiary.

Imahe mula sa NBP

Ang lalaking inmate, 58 anyos, ay naka-confine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noon pang April 17. Una siyang ginamot sa NBP hospital bago inilipat sa RITM, ayon sa statement na inilabas ng Bureau of Corrections (BuCor).

“COVID-19 test performed turned out positive. The patient is still confined at the RITM as of today. He is the first Person Deprived of Liberty (PDL) from the NBP to be confirmed positive of the COVID-19 virus,” ayon sa BuCor.

Apatnapung preso ang sinailalim na sa isolation matapos magsagawa ng contact tracing ang BuCor na sinimulan noong araw na dalhin sa RITM ang positibong inmate. Mahigpit silang babantayan habang hinihintay pa na maisailalim sila sa COVID-19 testing.

Ang mga health workers ng NBP hospital na nag-asikaso sa pasyente ay naka-quarantine na rin.

“Medical staff who attended to the PDL patient are also considered as suspects and are now under quarantine,” ayon pa sa BuCor.

Screenshot mula sa GMA video

Samantala, labingwalong inmates mula sa Correctional Institute for Women (CIW) na nagpositibo sa COVID-19 ay inilipat sa isang pasilidad sa NBP sa kabila ng pagtutol ng Muntinlupa City government.

Tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) sa Muntinlupa City government na ginawa ang lahat ng pag-iingat sa paglipat ng CIW inmates sa pasilidad sa loob ng NBP.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOJ sa Department of Public Works and Highways para sa pagtatayo ng mas malaking quarantine facility sa NBP kung sakaling kailanganin ito.

Imahe mula sa BuCor

Loading…