Ivana Alawi, nagpatulong sa publiko na i-report ang Twitter account na ginamit ang pangalan niya

  • Ivana Alawi, dismayado sa isang poser sa Twitter account
  • Humingi ng tulong ang aktres sa publiko na i-report ang Twitter account na nagpanggap bilang siya
  • Nawala na ang poser account matapos ang panawagan ni Ivana

Dismayado ang social media star at ABS-CBN talent na si Ivana Alawi dahil sa isang poser Twitter account na gumamit ng kanyang pangalan.

Imahe mula sa Instagram account ni Ivana Alawi

Nitong Biyernes, ika-10 ng Abril, hinikayat niya ang publiko na i-report ang Twitter account na nagpapanggap bilang siya.

“This is not my Twitter account! Please help me report this account,” post ni Ivana sa kanyang official Facebook account na may kasamang screenshot ng nasabing Twitter account kung saan makikita ang larawan niya at kasama ang TikTok star na si DJ Loonyo.

Makikita rin sa nasabing poser account ang mga sumusunod na tweets:

“From biruan to totohanan. Why not.”  

“Nagkalovelife sa quarantine. DJ Loonyo.”

“Good evening sa lahat lalo na kay DJ Loonyo.”

“Loovana 24 hours jowa challenge.”

“Sana all may jowa…Ay may jowa na pala ‘ko.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ivana Alawi

Matapos ipa-report ni Ivana ang naturang poser Twitter account ay nawala na iyon. Ilan sa mga followers ng aktres ang nagsabing nai-report nila ang fake account.

Isang Twitter user naman ang nagsabi na ang larawan ni Ivana at DJ Loonyo sa poser Twitter account ay minanipula lang para palabasin na silang dalawa ang magkasama.

“Editing skill level 1000000,” post ng netizen na may kasamang larawan ni DJ Loonyo na ibang babae ang kayakap.

Screenshot mula sa comment section ng Facebook post ni Ivana Alawi

Maraming followers ni Ivana ang sa una ay naniwalang siya mismo ang gumawa ng mga tweets sa naturang Twitter account dahil na rin sa prank na ginawa niya sa kanyang ina kamakailan lang.

Sa nasabing prank ay nagpanggap sina Ivana at DJ Loonyo na may relasyon upang biruin ang ina ng aktres. Nang malaman ng ina ni Ivana na biruan lang ang lahat ay pinaalalahanan niya ang dalawa na baka mauwi sa totohanan ang biro.

Nagpakilig sa maraming fans ang biruan ng dalawa.

 

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…