Iwas-COVID: Netizen ipinayo na gumamit ng cotton buds sa pagdutdot ng keypad at screen ng mga ATM

  • May kakaibang diskarte ang isang netizen upang hindi na niya hawakan ang keypad at touchscreen ng ATMs
  • Ginagamitan niya ito ng cotton buds upang makaiwas na hawakan ang ATMs na ginagamit ng maraming tao araw-araw
  • Ang iba naman daw ay gumagamit ng sticks at toothpicks dahil mas matigas ito kompara sa cotton buds

Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga mamamayang nagkakaroon ng C0VID-19 sa buong mundo. Kahit na may panawagan ngayon na manatili na lang muna sa bahay, hindi naman maiiwasan para sa ilan ang lumabas sa tahanan upang magpatuloy ang ilang mahahalagang gawain.

Kabilang sa mga ito ay ang pagkuha ng pera sa mga automated teller machines (ATMs) upang mayroong perang ipangtustos sa mga gastusin lalo na’t hindi naman lahat ay nakakukuha ng sapat na ayuda para sa mga pangangailangan.

Larawan mula sa Facebook post ni Jaderoller Ireland

Ngunit lubhang mapanganib rin ang paggamit ng ATMs lalo na’t marami ang gumagamit nito at maaaring infected na rin ang isang taong pipindot sa mga machines. Kaya naman ang isang netizen mula sa bansang Ireland ay mayroong kakaibang diskarte upang maprotektahan ang sarili sa C0VID-19.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang Sars-CoV-2 virus daw ay kayang tumagal sa isang bagay na papel sa loob ng isang araw habang dalawa hanggang tatlong araw naman sa mga plastic o metal. Dahil ang touchscreen at keypad ng ATMs ay gawa sa plastic at metal, talagang malaki ang posibilidad na makakuha rito ng karamdaman.

Dahil dito, ibinahagi ng Facebook account na Jaderoller Ireland sa grupong Corona Virus Updates Ireland ang kanyang diskarte sa pagwi-withdraw. Imbes na daliri niya ang pangdutdot sa keypad at screen, ginagamitan niya ito ng cotton buds.

Sa ganitong paraan daw, hindi mo idadapo ang kamay mo sa isang bagay na hinawakan na ng maraming tao. Hinihikayat niya rin ang lahat na gawin ito para na rin bilang pag-iwas ng pagkalat ng C0VID-19. Kasunod nito ay nananawagan din ang ilang netizens na sana raw ay laging i-disinfect ng mga bangko ang kanilang machines.

Larawan mula sa Facebook post ni Jaderoller Ireland

Maraming netizens naman mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagpasalamat sa ideyang ito. May ilan namang nagbahagi na gumagamit daw sila ng sticks at toothpicks dahil mas madali itong dalhin at mas matigas itong ipangpindot sa keypad at touchscreen.

Paalala naman ng ilang social media users, sana raw ay i-dispose nang wasto ang mga gagamiting alternatibong pangpindot sa machines upang masigurong hindi na kakalat ang virus na pinangingilagan ng lahat.

Source :

Facebook, BBC

Loading…