Iza Calzado, handang mag-donate ng plasma para sa COVID patients

Imahe mula sa Instagram | Iza Calzado
  • Willing mag-blood donation ang aktres na si Iza Calzado para sa experimental treatment na ginagawa ng Philippine General Hospital
  • Dadaan pa raw si Iza sa standard bl0od donation process at kailangan pang maghintay ng 14 days matapos ang unang negative result
  • Pinag-aaralan ng PGH ang convalescent plasma therapy mula sa mga COVID-19 survivors

Nakahanda ang aktres na si Iza Calzado na mag-donate ng dug0 para sa experimental treatment na gagawin ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga pasyente na may malalang kondisyon dulot ng COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | Iza Calzado

Sa isang artikulo sa Pep, sinabi ng kaniyang manager na si Noel Ferrer na hindi nagdadalawang-isip si Iza na mag-donate ng plasma ngunit kailangan pa raw maghintay ng 14 days matapos ang kaniyang unang negatibong COVID test.

“I already said yes to PGH and Makati Medical Center, but has to be 14 days after my first negative result and I just have to be assessed again,” sabi ni Iza kay Ferrer.

Dagdag pa ni Ferrer, dumating na ang ikalawang negative result ng aktres kaya siguradong out of danger na ito. “Pero kailangang magpahinga nang husto ni Iza para maibalik ang lakas niya at may isang buwan siyang palugit para rito,” ani Ferrer.

Paliwanag ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario sa ABS-CBN News, pinag-aaralan nila ang convalescent plasma therapy mula sa mga COVID-19 survivors.

Imahe mula sa Facebook | PGH

“Now we thought about this because in the past, convalescent plasma taken from a person who has recovered from an infection and contain neutralizing antib0dies were found to be helpful in other pandemics,” paliwanag ni Del Rosario. Kabilang daw sa nga ito ang H1N1 influenza, SARS-CoV-1, at MERS-COV.

Dagdag ni Del Rosario, mga pasyente lamang na naka-recover na mula sa virus ang kanilang tatanggapin at dadaan din sila sa standard blo0d donation process. “They have to be healthy and they shouldn’t be sick of anything.”

Maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Sandy Maganito sa 09178053207 ang mga naka-recover sa COVID -19 na nais mag-donate.

Source :

Pep PH, ABS-CBN

Loading…