Jason Abalos, ibinahagi ang kalungkutan sa pagkawala ng kaibigang doktor dahil sa C0VID-19

  • Ipinahayag ni Jason Abalos ang kaniyang pagdadalamhati sa pagkawala ng isa niyang kaibigang doktor dahil sa sakit na C0VID-19
  • Inalala ng aktor ang pagsasamahan nilang dalawa tulad ng parehong hilig sa pagmomotorsiklo
  • Humingi rin ng suporta si Jason mula sa pamahalaan upang maprotektahan ang mga medical health workers na tumutulong upang labanan ang coronavirus

Ipinahayag ng aktor na si Jason Abalos ang kaniyang pagdadalamhati matapos mamaalam ng isang kaibigang doktor matapos tamaan ng C0VID-19.

Imahe mula kay @thejasonabalos | Instagram

Sa isang Instagram post noong March 31, inalala ng aktor ang mga pinagsamahan nilang dalawa tulad ng pareho nilang hilig sa pagmo-motorsiklo.

“Kuwento ko lang, si Dr Leandro Resurreccion III (Doc. Jun). Isang mahusay na Pediatric Surgeon. Kapitbahay ko, pero nagkakilala kami dahil parehas kami ng motor. Kung anong meron siya parang meron na din ako, parehas kami ng binibili para sa bisy0 namin, lagi kaming nagtatanungan kung kailangan ba ito o hindi,” sabi ng aktor sa post.

“Si doc laging nakangiti kahit sobrang init minsan ng suot niya na jacket tapos ‘pag nagtanggal ng helmet parang Tom Cruise na ang buhok tapos nakangiti pa din. Lagi lang siya nakangiti. Masaya siya na nakamotor lagi papunta sa mga ospital na pinapasukan niya kasi sabi niya nag-eenjoy daw siya. Tipid na sa gas, walang traffic, hindi pa mahirap sa parking,” dagdag nito.

Ayon kay Jason, nangyari ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Doc Jun noong March 16 tungkol sa proseso ng pagkuha ng testing kit. Nabigla na lamang umano siya nang malaman na na-intubate na ang doktor at noong March 31 ay tuluyan na itong namaalam.

“Hindi pa ako naniniwala eh. Ayaw ko pang maniwala. Ano pa kaya ang mga anak nya na naiwan, ang pamilya niya, ang matagal na kaibigan at katrabaho? Walang sinisino ang C0VID 19,” sabi ni Jason.

I-click ang imahe para mabasa ang buong post

Nakiusap ang aktor sa mga mamamayan na manatili sa kanilang mga tahanan para hindi na kumalat pa ang virus.

Ito umano ang puwedeng itulong ng mga ordinaryong tao sa mga frontliner na patuloy na nagsasakripisyo para sa karamihan.

Humingi rin ng suporta si Jason sa pamahalaan upang maprotektahan ang mga medical health workers na tumutulong labanan ang coronavirus.

Imahe mula kay @thejasonabalos | Instagram

“Ngayon naman po sa ating gobyerno na parang mas naasahan pa ang mga pribadong sektor, kayo po na nakaupo, mas may kakayanan po kayo na tumulong. Bukod po sa iyan ang trabaho niyo, ang protektahan ang ating pamayanan.”

“Nawawalan po tayo ng pamilya na kagaya ni Doc Jun. Paalam at salamat kaibigan, hangang sa muli!” dagdag pa ni Jason sa post.

Source :

Instagram

Loading…