Jaya nagpasalamat sa mga nagdasal para sa asawang na-mild stroke

Imahe mula sa Instagram | Jaya
  • Nagpasalamat ang singer na si Jaya sa mga nanalangin para sa kaniyang asawa na na-mild stroke kamakailan
  • Malaki rin ang kaniyang pasasalamat sa mga hospital staff na nag-asikaso rito sa tatlong araw niyang pagkaka-confine
  • Ani Jaya, maswerte ang asawa dahil hindi seryoso ang kaniyang lagay at nag-improve na rin ang kaniyang kondisyon

Abot abot ang pasasalamat ng Soul Diva na si Jaya sa mga nanalangin para sa paggaling ng kaniyang asawang si Gary Gotidoc matapos itong ma-mild stroke.

Imahe mula sa Instagram | Jaya

“Praise you, Jesus! You are my rock and my healer. My husband has been cleared and we will be going home,” ani Jaya na sinabi  tatlong araw na na-confine ang asawa sa ospital. Excited na rin daw silang makasama ang kanilang mga anak na sina Gav, Sab, Dylan, at Athena.

Sa kabila nito, sinabi niyang mapalad pa rin si Gary dahil bumuti na ang lagay nito. “Honey, you are so blessed. A mild stroke, but no paralysis. Bl0od has thinned. Heart is good. Bl0od sugar controlled. Now we are out of the dark,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Jaya

“You are the hardest man I know. And I thank God that you are still whole and with us. Now let’s go home and worship the Lord! We love you so much.”

Nagpasalamat din siya sa mga staff ng Diliman Doctors Hospital na nag-asikaso sa kaniyang asawa, maging sa mga nagdasal at nangumusta sa lagay nito.

“To all of our doctors, primarily to Dr. Mark Fernandez (Neurology) and the ones that we initially called for help, and the super friendly and hardworking nurses and staff of Diliman Doctors Hospital, thank you and God bless you abundantly,” ani Jaya.

“We love and thank you from the bottom of our hearts, for life. You all know who you are. My husband extends his gratitude to all of you.”

 

Source :

Instagram

Loading…