Jinkee Pacquiao ipinaalala kung paano binabago ng pag-ibig ang ating buhay at pananaw

  • Sa sitwasyon natin ngayon, napakahalaga na makarinig o makabasa ng mga mensaheng magbibigay sa atin ng ibayong inspirasyon at pag-asa
  • Ito ang masasalamin sa isang Instagram post ni Jinkee Pacquiao na nagpapaaala sa atin tungkol sa kahalagahan ng pag-ibig
  • Ang pag-ibig umano mula sa mga tunay na nagmamalasakit at mula sa Diyos ang makatutulong sa atin na maalpasan ang lahat ng ito

Para kay Jinkee Pacquiao, ang pinakamagandang araw sa ating buhay ay ang gumising at makitang naroon pa rin ang pag-ibig na nagbibigay ng iba’t ibang kulay sa ating mundo.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Sa isang Instagram post, ipinaalala ng misis ni Senator Manny Pacquiao na ang pag-ibig na iyon ay nagmumula sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa iyo. Higit sa lahat ay ang pag-ibig ng Diyos na patuloy na nagbibigay sa atin ng pag-asa.

“The loveliest day of your life comes when you wake up and find that love still colors your world through people who truly care, and God’s love which never fail to amaze you every single day!” paliwanag ni Jinkee.

May iba-iba man tayong paraan sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay, lalo na ngayong sinusubok ang ating katatagan, pagmamahal, at pananampalataya ng COVID-19, hiling pa rin ni Jinkee na sana ay manaig sa atin ang magandang pagtanaw sa kahulugan ng buhay.

“See God in every happy face. Hear God in every caring word. And, be thankful for God’s amazing grace,” dagdag ni Jinkee.

Napakaganda ng mensaheng ito ni Jinkee para sa mga Pilipino. Mabuti ang kaniyang hangarin na makita at marinig natin ang kabutihan ng Diyos magkakaiba man ang ating estado sa buhay at pananampalataya.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Makahulugan din ang ginamit na hashtag ni Jinkee na may mensaheng “stay well,” “stay safe,” “stay home,” “love more,” “be hopeful,” at “have faith.”

Muli, sana ay patuloy tayong gumising at bumangon nang may pasasalamat sa puso at manalig na maaalpasan din natin ang suliraning ito.

Loading…