Jinkee Pacquiao, naniniwalang mahalagang mamuhunan para sa ating ispiritwal na katatagan

  • Sa gitna ng mga alalahanin, lalo na ngayon na hinahamon tayo ng COVID-19, napakahalaga ng pagkakaroon natin ng matibay na masasandalan
  • Ang masasandalang ito ay may malaking kaugnayan sa ating pananampalataya
  • Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang kahalagahan ng ating kaugnayan sa Diyos

Ang katatagan ng mga Pilipino ay kasalukuyang nasasalamin sa bawat isa na patuloy na nakikibaka para mabuhay sa gitna ng banta ng COVID-19.

Gayunman, may mas matatag na sandigan ang bawat isang mananampalataya na hindi lamang sa sarili umaasa. Ito ang masasalamin sa isang makabuluhang Instagram post ni Jinkee Pacquiao.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Naniniwala si Jinkee na wala nang higit pang mahalaga kaysa mamuhunan para sa ikatatatag ng ating ispiritwal na buhay. Ipinagmalaki rin niya na ang paglalaan niya ng panahon para manalangin sa Diyos ang nagpatibay sa kaniyang katauhan.

Ang kalakip na larawan ng post ay nagpapakita ng bookshelf na kinalalagyan ng mga paboritong aklat ng misis ni Manny Pacquiao.

Sa ibinahaging mensahe ni Jinkee, sinabi nito na bukod sa Bibliya, nagbabasa rin siya ng mga aklat na nagpapatibay ng kaniyang debosyon sa Diyos.

Dalawa sa mga aklat na pagmamay-ari ni Jinkee ay ang Filled with the Spirit ni Joyce Meyer at Becoming a Man of Unwavering Faith ni John Osteen.

 “I truly believe that there is nothing more important to invest in than our spiritual growth. I’ve learned first-hand that the more time I spend with God, the healthier I am mentally, emotionally, and even physically,” pahayag ni Jinkee.

Pinaalala rin ni Jinkee kung sino ang Diyos sa ating buhay.

“God is our source for LIFE + life to the fullest,” dagdag ni Jinkee.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Ang mag-asawang Pacquiao ay kilala sa kanilang mga pahayag kung paano binago ng Panginoon ang kanilang buhay.

Mababasa rin sa Instagram profile ni Jinkee ang isang Bible verse: “I can do all things through Christ who gives me strength.” (Philippians 4:13).

Loading…