Jollibee Singapore nag-sorry matapos pagmultahin dahil sa paglabag sa social distancing

  • Jollibee Singapore pinagmulta dahil lumabag sa social distancing
  • Naaktuhang nagkukumpulan ang mga Grab Food riders na nakapila sa Jollibee Singapore
  • Humingi na ng paumanhin ang Jollibee Singapore matapos pagmultahin ng $1,000

Humingi na ng paumanhin ang Jollibee Singapore matapos itong patawan ng multang $1,000 dahil hindi nito naipatupad nang maayos ang social distancing.

Imahe mula sa Jollibee Singapore

Ang multa ay dahil sa mga nagkumpulang third-party delivery riders (Grab Food) sa Jollibee branch malapit sa Causeway Point shopping mall sa Singapore.

Ayon sa pamunuan ng Jollibee Singapore, dumagsa ang delivery orders kaya maraming Grab Food riders ang nakapila sa branch, ngunit hindi nasunod ang ipinatutupad na 1 meter distance sa bawat isa.

“Jollibee Singapore sincerely apologizes for this and has consequently further intensified its social distancing measures and implementation. Jollibee Singapore has also requested the help of its third-party delivery rider partners to cooperate with its branches’ staff to follow these protocols for everyone’s safety,” pahayag ng Jollibee Singapore.

“Jollibee Singapore thanks its beloved customers for their continued patronage, and its delivery partners for all the support they are giving throughout this time. The company remains committed to the health and safety of its customers, partners, and employees in the fight against COVID-19,” dagdag pa nito.

Ayon sa Singapore Tourism Board (STB), pinagmulta nila ang Jollibee hindi nito ipinatupad ang proper safe distancing measures sa kabila ng naunang mga warnings kaugnay ng kumakalat na COVID-19.

Imahe mula sa Jollibee Singapore

“The infringements included failure to implement crowd management system and allowing customers and delivery personnel to crowd together without 1-metre spacing between one another,” pahayag ng STB.

Babala pa ng STB, kung patuloy na babalewalain ang patakaran ay mas mataas na multa ang ipapataw at maaari pang sampahan ng kaso sa korte.

Loading…