Kakaibang parusa sa mga curfew violators sa Davao Del Norte: Lamay sa harap ng bakanteng ataul

  • Kakaibang kaparusahan ang naghihintay sa mga curfew violators sa Davao Del Norte
  • Ang mga lalabag sa curfew hours ay “maglalamay” sa harap ng bakanteng ataul
  • Tatlong kalalakihan ang nahuli sa unang gabi ng implementasyon ng kakaibang parusa

Wala pang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Santo Tomas sa Davao Del Norte, subalit mahigpit na rin ang pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng curfew hours na 9 p.m. hanggang 5 a.m. upang patuloy na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga residente sa nakahahawang coronavirus disease.

Imahe mula sa Municipal government ng Santo Tomas, Davao Del Norte

Isang kakaibang parusa ang ipinapataw ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng mahuhuling nasa lansangan pa tuwing umiiral na ang curfew hours nang wala namang magandang rason.

Sinimulan ang pagpapatupad ng kakaibang parusa noong Linggo, ika-29 ng Marso. Ang mga curfew violators ay magpapalipas ng magdamag sa harap ng bakanteng ataul. Dalawang ataul ang inihanda ng lokal na pamahalaan sa loob ng Santo Tomas Recreation and Cultural Center.

“Look: Curfew violators will spend their time watching over the two coffins inside the Santo Tomas Recreation and Cultural Center at Feeder Road 3, Santo Tomas Tomas, Davao del Norte. Criminal charges will also be filed against those individuals who will be caught violating the curfew hours effective Sunday, March 29, 2020,” saad ng municipal government ng Santo Tomas LGU sa Facebook page nito.

Sa unang gabi ng implementasyon ng kakaibang parusa, tatlong kalalakihan na nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang agad na nahuling lumabag sa curfew hours.

Imahe mula sa Municipal government ng Santo Tomas, Davao Del Norte

“The first batch of curfew violators who were caught under the influence of alcohol “offer” their prayers in silence as they watch over the caskets inside the Santo Tomas Recreation and Cultural Center at Feeder Road 3, Santo Tomas, Davao del Norte,” ayon sa post ng Santo Tomas municipal government.

Layunin ng  pagpapatupad ng curfew hours sa maraming bahagi ng bansa na makontrol ang lalo pang pagkalat  ng coronavirus.

Imahe mula sa Municipal government ng Santo Tomas, Davao Del Norte
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…