Kambal Karibal actress Pauline Mendoza, inamin ang relasyon kay millennial Pangasinan mayor Bryan Celeste

  • Magkarelasyon na sina Kapuso actress Pauline Mendoza at millennial mayor ng Alaminos na si Bryan Celeste
  • Bago pa lamang daw ang kanilang relasyon pero best friends daw talaga ang turingan nila sa isa’t isa
  • Proud naman si Pauline sa pagiging mahusay na mayor ng nobyo sa kabila ng pagiging bata nito

Kamakailan ay nag-trending ang batang mayor ng Alaminos, Pangasinan na si Bryan Celeste. Bente-tres anyos lamang ang mayor na nag-viral dahil bukod sa murang edad nito para maging mayor, ay hinangaan ito dahil personal nitong ipinamigay ang relief goods na mula sa local farmers ng kanilang lungsod.

Lalong nakadagdag sa atensiyon ng publiko ang bagitong mayor dahil sa looks nito. Marami ang nagsasabi na complete package ito na maliban sa mabait at maaasahan, ay may pang-artista looks din. Kaya hindi na rin nakapagtatakang isang celebrity ang nakahuli sa pus0 ni Mayor Bryan.

Larawan mula sa GMA Network

Inamin kasi ng isang rising Kapuso star na si Pauline Mendoza ang kanilang relasyon ng millennial mayor. Sa isang panayam para sa GMA News Online, proud na sinabi ni Pauline na may dalawang buwan na ang relasyon nila ni Mayor Bryan.

Nakilala si Pauline sa kanyang breakthrough role bilang Crisel sa primetime drama na Kambal Karibal. Siya ang espiritung kakambal ni Crisan na ginagampanan naman ni Bianca Umali. Bente anyos lang din si Pauline kaya naman sinasabi nitong mahaba pa ang lalakbayin ng kanilang relasyon.

Taga-Marikina si Pauline at abala sa showbiz commitments at naka-base naman si Mayor Bryan sa Alaminos kaya naman isang beses sa isang linggo lang silang magkita. Gayunman, wala naman daw itong kaso sa kanila dahil buo ang tiwala nila sa isa’t isa.

Ipinagmalaki rin ni Pauline na likas daw ang pagiging mabait at approachable ng kanyang nobyo kaya naman masaya siyang maraming Pilipino rin ang nakapapansin nito. Pero bago pa aminin ni Pauline ang kanyang relasyon sa Mayor, nag-post na ito ng larawan nila sa Instagram.

Larawan mula sa FB page ni Bryan Celeste

Noong March 25, ilang araw pa lamang matapos ipatupad ang quarantine sa Luzon, nagbahagi na si Pauline ng larawan nila ni Mayor, kasama ang caption na “Proud of this guy right there.”

Abala rin si Pauline ngayon sa pagtulong sa mga frontliners sa kanilang lugar. Nakailang beses na ring nagbigay ng pagkain ang Kapuso actress sa mga bantay sa checkpoint sa Marikina at kalapit lugar.

Source :

PEP, Instagram

Loading…