Kapitana sa Malabon na si Angelika dela Cruz, ‘naloka’ raw sa natanggap na reklamong may tiktik sa kanilang barangay

  • Trending ngayon ang sumbong na natanggap umano ng barangay captain at aktres na si Angelika dela Cruz
  • Ayon sa mensaheng natanggap niya ay mayroon daw tiktik na gumagala sa kanilang lugar
  • Naloka naman daw si Angelika sa sumbong at sinabing mukhang hindi barangay ang kailangan nila kung hindi gh0stbusters

Sa panahong may kinakaharap na krisis ang bansa bunsod ng pagdami ng kaso ng C0VID-19, nasusubok ang maraming bagay kabilang ang husay at pasensya ng mga namumuno sa atin. Kabilang sa mga ito ay ang mga opisyal ng barangay na nagsisilbing unang takbuhan ng maraming mamamayan para sa kaayusan at iba pang mga reklamo.

Naglilingkod ngayon bilang barangay captain ng Longos, Malabon City ang aktres na si Angelika dela Cruz. Aktibo sa iba’t ibang proyekto si Angelika at madalas niyang i-update ang kanyang mga nasasakupan sa mga kaganapan at program ana ipinatutupad ng kanilang barangay.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelika dela Cruz

Ngunit sa lahat ng kinahaharap na suliranin niya bilang lider ng kanilang barangay, sa isang sumbong daw siya pinakanawindang sa ngayon. Ibinahagi ni Angelika sa kanyang Instagram account ang screencap ng isang sumbong na natanggap niya na may tiktik daw sa kanilang lugar.

Sabi ni Angelika sa kanyang post kalakip ang mismong mensahe ng nag-sumbong, bilang kapitan daw ay nakasalamuha na niya ang iba’t ibang uri ng tao at iba’t ibang uri ng reklamo ngunit sadya raw may mga mensahe siyang natatanggap na nagbibigay na lang sa kanya ng tuwa.

Pinakabago raw ay ang sumbong na maraming magkakapitbahay ang nagkakagulo ngayon dahil daw sa isang tiktik na namataan diumano ng mga residente. Pinapupunta pa ng nag-message kay Angelika ang kapitana para naman daw malaman niya nang personal ang balita.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelika dela Cruz

Ngunit hindi naman sineryoso ni Angelika ang sumbong bagkus ay ibinahagi na lang sa kanyang social media account upang magbigay ng good vibes sa kanyang followers. Saad pa ng aktres, mukhang gh0stbusters daw ang kailangan ng nagsumbong at hindi ang mga opisyales ng barangay.

Maging ilang celebrities ay natawa na lamang sa sumbong kay Kapitana Angelika. Ilan sa mga hindi mapigilan ang tawa ay sina Jessa Zaragosa at Vina Morales. Sabi naman ng ilan, at least daw ay napangiti sila ng nagsumbong na iyon kay Angelika.

Loading…