Kapos pero mapagbigay: Lolo, nagbahay-bahay at namigay ng biskwit sa kabila ng pandemic

  • Trending sa social media ang isang matandang lalaki dahil sa kanyang simple ngunit makabuluhang pagtulong sa kapuwa
  • Nagbahay-bahay kasi ang matanda at namigay ng bwiskit sa kanyang mga kapitbahay
  • Humanga naman ang maraming netizens sa ginawang ito ng matanda at patunay na walang edad at estado ang pagtulong sa kapuwa

Sa panahon ng pandemic, maraming Pilipino ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kanilang kapuwa. Mula sa mga kilalang personalidad tulad ng mga artista, social media influencers, politiko, hanggang sa mga simpleng mamamayan lang, ay nagpakita na walang pinipiling estado ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Pero sa maraming tao na tumulong at naibahagi sa social media, isang lolo ang nagpakita ng pinakasimple ngunit pinakamakabuluhang paraan ng pagbibigay ng tulong sa kanyang mga kababayan. Trending sa social media ang post ng netizen na si Ter Dee kung saan makikita ang isang matanda na namimigay ng munting tulong.

Larawan mula sa Facebook post ni Ter Dee

Sa post ni Ter, makikita ang larawang orihinal na kuha ng isang nagngangalang Rommel, tungkol sa isang matandang lalaki na nagbabahay-bahay at namimigay ng biskwit. Suot ang face mask, matiyang kinakatok ng matanda ang mga tahanan upang iabot ang dalawang piraso ng crackers.

Ayon sa uploader, ang matanda raw ang isang patunay na kahit hindi ganoon kayaman ang isang tao, kahit na matanda na ito, ay walang makaaawat sa isang bahagi ng lipunan na nais makapagbigay ng tulong at makapaghandog ng ngiti at inspirasyon sa kanyang kapuwa.

“It’s true what they say… the poor people are often the most generous. Lahat magul0, si Tatang relax lang sa pamimigay ng Hansel,” sabi ni Ter sa kanyang post na mayroon nang 132,000 reactions at 190,000 shares isang araw matapos i-upload.

Nagpaabot naman ng paghanga ang maraming netizens sa kagandahang loob ng matanda. Ayon sa kanila, hindi nila sinusukat ang ibinahaging biskwit ni lolo, pero napakalaking bagay ng mensaheng ipinaabot niya sa bawat netizen na makakikita sa larawan. Sa panahong marami ang nangangailangan, lahat tayo ay may tulong na maibibigay, maliit man o malaki.

Larawan mula sa Facebook post ni Ter Dee

Sabi rin ng ibang social media users, nakaka-good vibes ang aksiyong ito ng matanda. Ngayong marami ang nangangamba dahil sa C0VID-19, pinalalakas ni lolo ang loob ng marami ngayon na anuman ang mangyari, tuloy pa rin dapat ang buhay.

“Real love, concern, and kindness! Humanity in simple way. God bless po!” sabi ng isang social media na nag-share ng larawan ng mapagbigay ng matanda.

Loading…