Kapuso reporters Rida Reyes at Cedric Castillo, magiging mga magulang na

  • Inanunsiyo ni Kapuso reporter Rida Reyes na magkakaanak na sila ni Cedric Castillo
  • Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ipinasilip ni Rida ang kanyang baby bump
  • Noong Pebrero ay ikinasal sina Rida at Cedric sa Antipolo na dinaluhan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte

Sa panahon ng pandemic, isa sa mga abala sa paglilingkod sa mga kapuwa Pilipino ay ang mga bahagi ng media. Katulad ng mga health workers at iba pang frontliners, exposed rin ang mga mamamahayag at iba pang kasama nila sab anta ng C0VID-19 dahil sa kanilang field work upang makapaghatid ng pinakasariwang ulat na kailangan malaman ng mga mamamayang naka-stay at home ngayon.

Ngunit sa kabila ng abalang trabaho bilang mga mamamahayag, nagkaroon ng magandang balita para sa mga Kapuso reporters na sina Cedric Castillo at Rida Reyes ngayon. Inanunsiyo ni Rida sa kanyang Instagram account na magkaka-baby na sila ni Cedric.

Larawan mula sa instagram account ni Rida Reyes

Ipinakita ni Rida sa nasabing post ang kanyang baby bump sa unang pagkakataon. Kasabay nito ay ang isang mensahe na ang dinadala niya raw ay isa sa mga pinakamaganda at pinakamahirap na bagay na dumating sa kanya.

“Hello, little one. Waiting for you has been both the hardest and most beautiful thing I have ever done. See you soon, we’re almost there,” pahayag ni Rida sa kanyang post.

“Almost there my loves,” tugon naman ni Cedric sa post ng kanyang misis. Bumati rin ang ilang kasamahan sa News and Public Affairs ng dalawa para sa kanilang magiging anak.

Masayang-masaya naman ang mga tagahanga at kaibigan nina Rida at Cedric para sa kanilang bagong biyaya. Matatandaang noong Pebrero lamang ay napabalitang ikinasal ang dalawang Kapuso journalist sa isang pribadong venue sa Antipolo.

Larawan mula sa Facebook

Mas naging matunog ang kanilang pag-iisang dibdib nang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasal nila. Nakapag-selfie pa ang mga Kapuso journalist na dumalo sa nasabing kasal kabilang ang mga batikang sina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Magiliw ding nakipag-selfie ang Pangulo sa iba pang bisitang mamamahayag tulad nina JP Soriano, Julius Segovia, at John Consulta maging sa dating Kapuso reporter at piloto na ngayong si Steve Dailisan.

Loading…