
- Ang tula ay isang mabisang sandata sa pagpaparamdam ng iba’t ibang emosyon ng tao
- Sa isang tula na binigkas ng aktres na si Kathryn Bernardo, naiparamdam niya ang maraming emosyon bilang pagkilala sa mga dakilang frontliners
- Madamdamin na binigyang-tinig ni Kathryn ang isang tula na tampok sa isang thank you video ng isang brand ng produkto
Boses ni Kathryn Bernardo ang nagbigay ng dagdag na kulay at damdamin sa tulang “Bituin” ni Carlo Hornilla para sa Met Tathione “thank you video” sa ating mga frontliners.

Buo at madamdamin ang boses ni Kathryn. Ramdam ang lungkot ngunit naroon ang pag-ibig at pag-asa sa tinig ni Kathryn. Malalim ang pinaghuhugutan niyang damdamin na maririnig sa mahigit isang minutong poetry video.
Ang video ay pagbibigay-pugay sa mga sakripisyong ginawa at patuloy na ginagawa ng mga frontliners na harap-harapang nilalabanan ang panganib na dulot ng COVID-19.
Ipinakita sa video ang mukha at pangalan ng mga frontliner na nagsisilbing mga bituin na tanaw ang kislap sa kaitaasan. Kinakatawan ng mga ito ang mga manggagawang Pilipino na patuloy na naglilingkod sa mga mamamayan at sa bayan.
Kabilang dito sina Dr. Anne Clarisse Carlos (ER resident doctor), Joan Chi (head dietician), Andrian Artoz (housekeeping), Jemar Sali (cardio technologist) Efren Gonzalez (orderly), Irene Franco (nursing services), Kristine Santos, (ER nurse), Maria Liza Artillaga (nurse), Maricel Caña (ER admin), at Dr. Aisler Ibana (ER doctor)
Tampok din sa video sina Karen Orlina (nurse training officer), Angela Victoria Guerrero (rad tech), Monika Silvestre (medical technologist, Robert Usita (senior nurse), Katrina Amorante (nurse), Diane Galindez (nurse assistant) Ruby Anne Velitario (medical technologist) at Gilbert Tanon (nurse assistant)
Makikita rin sina Herbert Ryan Costales (security chief supervisor) PCpl. Edelbert B. Malinay, PSSc. Deborah Zabrina Lajom, at April Calimag (nurse).
Sila ay ilan lamang sa mga “payong na hindi natitiklop”, “sinasandalang dingding,” at “bubong na kumukupkop” na ginamit na paglalarawan ni Hornilla sa kaniyang tula.

Ang kanilang pag-ibig ay “pananatiling paglilingkod nang tapat.” Ang hawak nilang “liwanag” ay nagsisilbing pag-asa para sa ating mga nananatili sa bahay at nagdarasal na matapos na ang paglaganap ng mapaminsalang sakit.
Muli, maraming salamat po sa lahat ng magigiting na frontliners.
Maaaring mapanood ang video sa ibaba: