Katsang pinaglagyan ng harina, ginawang PPEs at face masks ng mga frontliner sa Iloilo

  • Ginawang PPEs at face masks ng mga tauhan ng kapitolyo ang mga katsang pinaglagyan ng harina
  • Ipamamahagi nila ang kanilang mga gawa sa mga Rural Health Center ng lalawigan
  • Bumuhos ang papuri sa kanilang ginawa

Dahil sa kakulangan ng suplay ng mga personal protective equipment (PPEs) at face masks para sa ating mga frontliner, nagdesisyon ang Provincial Health Office (PHO) ng Iloilo na tahiin na lamang ang mga katsang pinaglagyan ng harina para may magamit sila.

Image by Dr. Maria Javellana Colmenares-Quiñon via Facebook

Kuwento ni Dr. Maria Javellana Colmenares-Quiñon sa Facebook, mistulang sastre umano ang ilan sa kanilang mga empleyado dahil sa nananahi sila ng mga katsa para mayroong magamit ang mga frontliners.

Matatandaang naunang ibinahagi ng PIA na nagkaisa ang ilang kompanya sa Iloilo para mamahagi ng nasa 40,000 piraso ng “Ilonggo Pandesal” sa mga pamilya sa lugar bilang tugon sa kanilang pangangailangan.

Sinabi ni Mayor Jerry P. Treñas na libreng ipamamahagi ang mga pandesal araw-araw sa mga bahay ng mamamayan sa loob ng 15 araw. Bawat pakete ng ipamamahagi ay naglalaman ng walong piraso.

Ito, ayon sa ABS-CBN News, ang pinanggalingan ng mga katsang tinatahi ng mga tauhan ng PHO ng lalawigan para gawing PPEs at face masks.

Nabanggit din na ipamamahagi ng PHO ang kanilang mga gawa sa mga Rural Health Center sa mga bayan ng lalawigan.

Karagdagan, nagbibigay rin ang PHO ng mga surgical mask sa komunidad lalo na’t may kakulangan pa rin ang suplay nito sa merkado.

Nagpasalamat si Quiñon sa mga nagbigay ng katsa partikular ang Angelina Bread na nagpaabot sa pamamagitan ng Philippine Red Cross.

Bumuhos naman ang papuri at pasasalamat ng mga netizen sa mga trabahador ng kapitolyo na gumagawa ng paraan para makapagbigay ng kagamitan sa mga frontliners.

Sabi ng isa, “That’s a brillint idea. Very comfortable pa ang cloth. Very creative. Good job.”

Image by Dr. Maria Javellana Colmenares-Quiñon via Facebook

Mayroon namang nagtanong kung pasok ba sa panuntunan ang paggamit ng katsa bilang PPEs at face mask lalo na sa mga nagtatrabaho sa ospital.

Pero komento ng isa, “That’s better than nothing! Those worried about it, donate kayo ng standard PPE!”

Imahe mula sa The Freeman

Loading…