Kim Chiu, nakagawa ng 2000 face shields; may birthday treat din sa mga frontliners

  • Sa Linggo, Abril 19, ay ipagdiriwang ni Kim Chiu ang kaniyang ika-30 kaarawan
  • At sa panahong ito ay hindi na raw mahalaga pa ang engrandeng pagdiriwang
  • Ang mahalaga raw ay ang makatulong siya sa ating magigiting na frontliners

Ginagawa pa ring makahulugan ni Kim Chiu ang bawat araw niya sa kaniyang bahay. Nakagawa siya ng 2000 face shield na handog niya sa mga frontliners.

“Made 2000 DIY face shield for our frontliners. Hope this will help,” ayon sa isang Instagram post ng aktres. Nagsisilbing birthday treat ito ng dalaga na magdiriwang ng ika-30 kaarawan sa Linggo, Abril 19, 2020.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu

May kalakip na TikTok video ang post na ito ni Kim na nagpapakita kung paano niya ginawa ang bawat face shield.

Hindi lamang face shield ang handog ni Kim sa magigiting nating frontliners.

Ayon sa isang artikulo ni Salve Asis, nagkakahalaga ng kalahating milyong piso ang birthday treat ni Kim sa mga manggagawang frontliners at sa ilang pamilya na nawalan ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine.

Ayon pa rito, hindi na raw mahalaga pa kay Kim ang engrandeng pagdiriwang sa ganitong panahon na mas mahalagang bigyang-pansin ang kalusugan ng bawat isa.

Ang makatulong sa kapuwa ang pinakamahalaga sa ngayon para kay Kim.

Sa apat na buwan ng 2020, napakarami na ang nangyari sa buhay ni Kim na nagpabago rin sa mga pananaw niya sa buhay tulad ng insidenteng kinasangkutan nito kung saan napagkamalan lamang siya.

Sa kabila nito, marami rin namang blessings ang nakamit ni Kim para sa kaniyangs sarili, sa pamilya, sa trabaho, at sa kaniyang lovelife.

Lalo ring lumawak ang pang-unawa at pananampalataya ng aktres.

Mga imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu

Samantala, isa pang birthday treat ng aktres para sa kaniyang mga tagasubaybay at sa lahat ng Pilipino ay ang new single nito na pinamagatang “Wag Kang Bumitaw.” Nais niyang ipaalala sa lahat na malalampasan din natin ang mga pagsubok na ito sa pamamagitan ng pananampalataya.

Maligayang kaarawan, Kim! Hangad namin ang iyong patuloy na pagtatagumpay!

Loading…