Kris Bernal ibinahagi ang kanyang unang YouTube income sa mga animal welfare orgs at sa Taal evacuees

  • Matagumpay ang bagong karera ni Kris Bernal bilang isang YouTube vlogger
  • Ang income na nakukuha niya sa pagba-vlog ay ibinabahagi niya rin sa mga organisasyon
  • Nagbigay siya sa mga animal welfare groups at sa mga Taal evacuees

Isa sa mga successful Kapuso celebrities na sinubukan ang pagiging YouTube vlogger si Kris Bernal. Mula sa pagiging bahagi StarStruck Season 4 Ultimate L0veteam at maging isa sa mga leading ladies ng GMA Network, marami na rin ang sumusubaybay kay Kris bilang isang content creator.

Kamakailan lamang ay naibalitang mayroon nang Silver Play Button Award si Kris dahil sa pag-abot ng 100,000 subscribers. At sa latest vlog ng aktres, natanggap na niya ang kanyang award mula sa YouTube at patuloy na nagpapasalamat sa kanyang mga manonood kahit daw minsan ay hindi siya sigurado kung magaganda ang kanyang content.

Larawan mula sa YouTube video ni Kris Bernal

At hindi lingid sa kaalaman ng marami na mayroon ding tinatawag na YouTube sweldo ang mga vloggers na nakukuha nila dahil sa ad placements na napapanood kasama ng kanilang video. At dahil nag-umpisa lang naman bilang katuwaan ang kanyang pagba-vlog, minarapat ni Kris na i-donate ang kanyang unang YouTube sahod.

Nag-umpisa si Kris sa YouTube pitong buwan na ang nakararaan. At dahil madali niyang nakamit ang requirement ng YouTube upang ma-monetize ang kanyang content, ilang buwan lamang ay mayroon nang sahod na natanggap si Kris.

Diretsahang sinabi ni Kris kung magkano ang kinita niya sa mga unang videos niya. Nakatanggap daw siya ng $400 o P20,000 sa ating pera. Pero hindi napunta kay Kris ang kitang ito at mas pinili niyang i-donate sa mga organisasyong nangangalaga sa mga hayop.

Aminado si Kris na animal l0ver siya. Mayroon daw siyang mga alagang aso at pusa kaya naman minarapat niyang ibahagi sa mga animal welfare groups. Aktibo rin daw kasi ang kanyang ina sa pangangalaga sa mga hayop kaya naman walang pag-aatubiling tinulungan niya ang mga ito sa pamamagitan ng YouTube sahod niya.

Larawan mula sa YouTube video ni Kris Bernal

Tumulong din si Kris sa mga Taal evacuees noong Enero. Namahagi ang aktres ng hygiene kits at grocery packs para sa mga residente roon. Personal na dinala ni Kris ang kanyang tulong sa mga residente ng Katimugang Luzon.

Mensahe ni Kris, sana raw ay patuloy siyang suportahan ng kanyang mga manonood upang mas marami pa ang mabahagian ng mga biyayang natatanggap niya.

Panoorin ang latest vlog ni Kris tungkol sa kanyang mga natulungan:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…