Kumokonsumo ng kuryenteng mababa sa 50kWh libre na sa March-April billing ng electric cooperatives

  • Mga lifeline consumers ng electric cooperatives libre na ang kuryente para sa March-April billing period
  • Ang lifeline consumers ay ang mga kumokonsumo ng mababa sa 50kWh kada buwan
  • Ang libreng kuryente ay bahagi ng “Pantawid Liwanag Program” ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association

Ibinalita ni Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi na sisingilin ng mga electric cooperatives ang nakonsumong kuryente ng mga “lifeline consumers” para March to April billing period.

Imahe mula sa ABRECO

Ang lifeline consumers ay ang mga kumokonsumo ng kuryente na mababa sa 50kWh kada buwan.

“Sa mga kababayan nating komukonsumo ng mas mababa sa 50 kilowatt per hour o yung mga tinatawag na ‘lifeline consumers’ ng mga electric cooperative dito sa Luzon, maging sa Visayas at Mindanao – maliban sa isang buwang grace period sa pagbabayad ng kuryente – libre na po ang inyong konsumo sa loob ng March to April billing period,” pahayag ni Nograles.

Ang Pantawid Liwanag ay isang corporate social responsibility program na pinangungunahan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association bilang pakikiisa sa mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan na maibsan ang socioeconomic impact ng COVID-19 pandemic sa mga maralitang mamamayan.

Aabot umano sa tatlong milyong consumers sa Luzon, Visayas at Mindanao ang magbebenepisyo sa Pantawid Liwanag Program.

Imahe mula sa PHILRECA

“Target na tulungan ng Pantawid Liwanag ang tatlong milyong mahihirap na consumer ng mga electric cooperative,” dagdag pa ni Nograles.

Bukod pa sa libreng kuryente para sa mga lifeline consumers, ang mga power companies ay nagbigay din ng 1-month moratorium sa pagbabayad ng nakonsumong kuryente dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Source :

Inquirer

Loading…