Lalaki binilhan ng iba–ibang flavor ng milk tea ang nami–miss na nobya dahil sa ECQ

  • “Sweetness overload” ang dulot ng isang lalaking bumili ng lahat ng flavors ng milk tea na paborito ng kaniyang nobya
  • Nami–miss na niya umano ito dahil matagal na silang hindi nagkikita at nagkakasama dahil sa ECQ
  • Kinilig naman ang ilang mga netizens dito

Anong kaya mong gawin para sa iyong karelasyong matagal mo nang nami–miss dahil hindi na kayo nagkikita masunod lamang ang “social distancing” at “enhanced community quarantine”?

Ibinahagi ng netizen na nagngangalang “Jhn Rhy Mglld” sa kaniyang Facebook post kung paano niya ipinaramdam sa kaniyang nobya ang pagkasabik dito dahil na rin sa hindi pagkikita at pagkakasama, bilang pagtalima sa pagpapatupad ng ECQ.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhn Rhy Mglld

Batay sa kaniyang post, dahil mahilig sa milk tea ang kaniyang nobyang si “Angela”, surpresang bumili siya nito para sa kaniyang mahal. Subalit hindi lamang isang klaseng milk tea ang binili niya, kundi lahat ng flavors na paborito nito. Nais niya kasing maipadama sa nobya na kahit sila’y pansamantalang magkalayo dahil sa ECQ, ay lagi niya itong naiisip.

“Priceless” umano na makitang masaya at nakangiti ang nobya.

“Di bale na kahit anong oras huwag lang magutom yung mahal ko. Binili ko na lahat ng paborito niyang flavors, sana napasaya kita kahit di tayo nagkikita,” ayon sa caption.

Batay sa mga kalakip na larawan, ang lalaki mismo ang nag-deliver ng mga milk tea para sa kaniyang kasintahan. Siniguro pa rin naman nilang nasunod ang social distancing.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Sana all binibilhan at pinagdadalhan ng milk tea! Plus pogi points ka diyan, Kuya!” pagbati ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow ang suwerte naman ng guy at maganda ang nobya niya. Yung girl naman, masuwerte sa guy, kasi mabait at maalalahanin siya haha.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jhn Rhy Mglld

“Wow… kakatuwa naman. Sana lahat ng mga boyfriend ay ganiyan kasweet. At sana hindi lang sa panahon ng ECQ nagpapakita ng kasweetan. Sana matapos na ang lahat ng ito para wala nang mga magdyowa ang nakaka–miss sa isa’t isa! Miss ko na ang dyowa ko!” bulalas naman ng isa.

Kung hindi na hahaba, mukhang hanggang Abril 30, 2020 na lamang ang ipaghihintay ng mga magkasintahan dahil iyon ang araw na matatapos ang extended ECQ, maliban na lamang kung ipagpapatuloy pa ito dahil na rin sa araw–araw na paglobo ng mga taong kumpirmadong may COVID–19.

Source :

Facebook

Loading…