Lalaki isinabay ang pamimili at pamimigay ng tulong sa isang kapwa mamimili

  • Nasaksihan ng isang mamimiling netizen ang isang “anghel” sa isang supermarket
  • Binigyan kasi ng pera ng isang lalaki ang kapwa–mamimili upang makabili ito ng gatas para sa anak
  • Bumaha naman ng positibong komento mula sa mga netizens ang naturang akto ng kabutihan

Ang pagtulong sa kapwa ay maaaring mangyari o maganap saanman at alinman ang sitwasyon. Wala itong pinipiling lugar o panahon. Basta’t kaya, malaking bagay na ang simpleng pagabot ng makakain sa isang pulubing nagugutom, pagtatawag ng ambulansiya sa isang naaksidete, o kaya naman, pagbibigay ng pera sa isang kapwa mamimili upang makabili ng mga pangangailangan nito sa bahay.

Iyan ang nasaksihan ng isang mamimiling netizen na nagngangalang “Marianne Ercillo” habang siya ay namimili sa supermarket ng SM Southmall sa Las Pinas City.

Salaysay niya sa kaniyang Facebook post, habang siya ay nakapila sa counter, nakita niya ang isang eksenang tiyak na magbibigay ng inspirasyon sa lahat.

Imahe mula sa Facebook account ni Marianne Ercillo/Public Domain Image

“I was waiting in line sa cashier, sir in white sa harap ko and manong in dark green nakapila sa tabi ko, sa kabilang cashier. I saw the guy in white, lumapit kay manong na naka-dark green sabay discreetly nag-abot ng blue bills (1k peso–bills just not sure kung ilan) kay manong na naka–dark green,” ayon sa post.

Sa pagpapatuloy, “Then bumalik sa pila si sir na naka–white while umalis si manong na naka–dark green, iniwan saglit ang kanyang push cart. Two minutes later, bumalik si manong na may extra 2 packs of Bear Brand sabay sabi kay sir na naka–white, ‘Maraming salamat po, pandagdag sa gatas ni Baby.'”

Hindi makapaniwala ang netizen sa kaniyang nasaksihan. Harap–harapan kasi siyang nakakita ng “anghel” sa kaniyang harapan. Mensahe naman niya sa tatay na binigyan ng biyaya na patuloy lamang na kumapit at lumaban.

Aniya, “Kay sir na naka–white, mabuhay po kayo! May God bless you more! Indeed, angels are among us. Kay manong na naka–dark green, kapit lang po.”

Umani naman ito ng positibong komento mula sa mga netizens. Pinuri nila ang lalaki gayundin ang uploader.

Sabi ng isa, “Sana po biyayaan pa po kayo ng Diyos. Salute po sa inyong kabutihan sir. Iyan ang puso ng isang tatay. Alam niya ang pakiramdam ng ama na bumubuhay sa isang pamilya.”

“Mas marami pa rin ang likas na matulungin sa mundo! A millions fold back to the guy in white,” turan naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Marianne Ercillo/Public Domain Image

Kay “Sir in White”, mabuhay po kayo! Inspirasyon po kayo para sa lahat. Pagpapalain pa po kayo ng Poong Maykapal. Kay “Manong in Dark Green”, naman, laban lang nang laban! Makararaos din tayo!

Loading…