Lalaki ‘naging butiki na rin’ sa labis na pagkainip dahil sa enhanced community quarantine

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang larawan ng isang taong “naging butiki”
  • Makikitang may dalawang butiki siyang kasama sa kisame
  • Inedit lamang ito ng isang di–nagpakilalang netizen 

Sa panahon ng enhanced community quarantine, dalawang klase ang maaaring maitulong ng mga tao: ang maging frontliners gaya ng mga health workers at iba pang trabahong kinakailangan bilang “skeletal force” ng bansa, at ang pananatili sa loob ng mga bahay upang hindi na maipalaganap ang COVID–19.

Kaya naman, isang di–nagpakilalang netizen ang nagpost ng isang larawan, kung saan sa labis na pagkainip daw sa ECQ ay “naging butiki na rin”, ayon sa Facebook page na “Rant”. Makikita sa larawan na nakadikit na rin sa dingding ang tao kasama ang dalawang butiki.

Imahe mula sa Facebook page na Rant

Ayon sa caption nito, “Quarantine Day 12… naging butiki na ako.” Nakatutuwa ang pagkaka–edit ng larawan sa naturang post.

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Grabe, iyan na ba ang nagagawa ng labis na pagkainip? Nagiging butiki na lang? Hahaha. Kakaaliw. Credits to the owner,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hahaha ang cool naman ng gumawa niyan. Siguro inip na inip na iyan.”

Ang butiki o house lizard sa Ingles ay isang uri ng hayop na naninirahan sa bahay ng tao. Kadalasan silang naninirahan sa kisame o sa mga siwang na matatagpuan sa bandang bubungan o atip ng bahay. Nakikita rin silang kumakapit at naglalakad sa mga kisame kapag naghahanap ng makakain. Karaniwan nilang kinakain ang mga lamok at iba pang uri ng insekto.

Karamihan sa mga butiki ay nocturnal o gising sa gabi upang humanap ng “prey” o makakain at nagkukubli naman tuwing araw. Ang kanilang paglaki ay nasa pagitan ng habang 75–150 mm (3–6 pulgada), at kayang mabuhay nang hanggang limang taon. Itinuturing din silang non-venomous o walang dulot na lason, at hindi mapanganib sa mga tao.

Public Domain Image

Loading…