Lalaking na-wrong send sa Dole PH, nakatanggap ng P5k halaga ng produkto

Imahe mula sa Facebook | CJ Banasihan
  • Muling naghatid ng good vibes sa netizens ang insidente ng pagka-wrong send ng isang netizen sa Dole Philippines
  • Sa halip kasi na sa Department of Labor and Employment (DOLE) ipadala ang mensahe ay sa Dole Food Company niya ito naipadala
  • Kamakailan lamang ay nakatanggap siya ng P5,000 halaga ng mga produkto ng kompanya

Nais sanang i-follow up ng netizen na si CJ Banasihan ang P5,000 cash assistance para sa mga empleyadong katulad niya na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) ngunit sa halip na sa Department of Labor and Employment (DOLE) i-send ang hinaing ay sa Dole Food Company niya ito naipadala.

Imahe mula sa Facebook | CJ Banasihan

Ang pagka “wrong send” na ito ay nagbigay ng good vibes sa netizens sa kabila ng kinakaharap na pandemic kaya naman naisipan ng kompanya na padalhan si CJ ng P5,000 halaga ng kanilang mga produkto.

“In the midst of our battle against COVID-19 as a nation, we are grateful for people like you who are out there spreading laughter and positivity to the community while we face a difficult time,” sabi ng Dole sa liham na kalakip ng kanilang ipinadala. “You are one of the reasons why we love what we do in Dole.”

Dagdag pa nila, bagama’t hindi pa natatanggap ng netizen ang ayuda mula sa DOLE ay mainam na may nakuha na siyang mga produkto na makabubuti sa kaniyang kalusugan.

“After all, we believe that health is more important than money these days.”

Imahe mula sa Facebook | CJ Banasihan

Nagpasalamat naman si Banasihan sa natanggap mula sa Dole. “Thank you, Dole PH. Hindi ko inexpect na tototohanin ninyo yung message ko,” sabi niya sa kaniyang post.

Marami ang natuwa sa palitan ng mensahe ni Banasihan at ng admin ng Dole PH page. Matapos matanggap ang chat ng netizen ay nag-reply ang Dole upang linawin na hindi sila ang DOLE na hinahanap niya.

“Unfortunately, we’re not DOLE — we are Dole Philippines, best known for our sweet pineapples and yummy fruit-based packaged products,” anila.

“However, if you’re feeling stressed out, why don’t you #DoleItUp and try a refreshing can of Dole 100% pineapple juice? It’ll give you a natural energy boost that will make you bounce back from your troubles,” dagdag pa ng page.

Loading…