Lalaking nakasuot ng Spiderman costume, namataang namimigay ng relief goods sa Tarlac

  • Naghatid ng tulong at kasiyahan ang isang lalaki sa Tarlac matapos nitong mag-ala “Spiderman”
  • Bukod sa nakaaaliw nitong costume, namataan rin itong namimigay ng relief goods sa kaniyang mga kababayan
  • Kinilala ang nakasuot ng Spiderman costume na si Estefred Cordero Jr na nais umanong magpasaya ng ibang tao kahit sa maliit na paraan lamang

Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang lalaki sa Tarlac matapos nitong magsuot ng Spiderman costume at bumisita sa mga kabahayan.

Imahe mula kay Estefred Cordero Jr. | Facebook

Kinilala ang lalaki na nag-ala Spiderman na si Estefred Cordero Jr. na nagtatrabaho bilang isang photographer.

Sa post ni Cordero sa Facebook noong April 10, makikita ang pagdadala niya ng good vibes sa ilang mga residente mula sa mga kabahayan na kaniyang napuntahan sa Brgy. Sta. Lucia sa probinsiya ng Tarlac.

Nagbahagi rin siya ng ilang mga larawan kasama ang mga residenteng labis ang tuwa matapos niyang bumista ang mag-abot ng tulong sa kanila.

Bukod sa pagsusuot ni Cordero ng nakaaaliw nitong costume, namigay rin siya ng relief goods sa ilan niyang mga kababayan na naapektuhan ang pamumuhay simula nang ipatupad ang malawakang ‘lockdown’ sa Luzon.

Naglalaman ang mga plastic bag na kaniyang ipinamimigay ng mga pagkain tulad ng itlog, hotdog, pansit mami, at gulay.

Ayon sa panayam ni Cordero sa ABS-CBN, nais niya umanong magbigay ng saya sa kaniyang mga kapitbahay kahit na sa maliit na paraan lang.

“Nais ko po kasing magbigay ng good vibes sa mga kapitbahay at maging inspirasyon na rin na kahit konting tulong ay makatulong sa iba,” ani Cordero.

Imahe mula kay Estefred Cordero Jr. | Facebook

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa binata dahil sa pagtulong nito sa kaniyang mga kababayan.

“Hndi umabot yung sapot ni Spiderman dito ah. Hehe. Joke! God bless, Spiderman, “ sabi ni LC.

Mahusay ka talaga kuya, este Spider Man. Yung sa akin nasaan? Hahaha Godbless sa inyo ng kasama mo!” pabirong sabi naman ni JAN.

“Nice one. It’s good to have a real super hero like this,” pahayag naman ni AAR.

Source :

Facebook

Loading…