Lalaking pinaniniwalaang nahawa ng COVID sa sabungan, nangakong hihinto na sa pagsusugal

Imahe mula sa Facebook | TV Patrol Southern Mindanao
  • Nangako si PH 3669 William Gonzales na hindi na siya magsasabong matapos na maka-recover mula sa virus
  • Pinaniniwalaan kasing nakuha niya ang COVID-19 sa isang sabungan
  • Aniya, malaking tulong ang pananampalataya lalo na noong mga panahong hindi maganda ang resulta ng kaniyang tests

Pinaniniwalaang nakuha ng PH 3669 na si William Gonzales ang COVID-19 sa isang sabungan kaya naman nang gumaling ay nangako siyang hindi na magsusugal muli.

Imahe mula sa Facebook | TV Patrol Southern Mindanao

Kwento ni Gonzales sa isang panayam sa TV Patrol Southern Mindanao, naengganyo siyang dumalo sa Matina Gallera cockfight derby dahil aabot sa P26 million ang ipamimigay na premyo roon.

Ipinatigil ni Davao City Mayor Sara Duterte ang operasyon nito noong March 12 dahil sa tumataas nang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Wala akong napansin pero siyempre minsan yung mga sigaw sigaw, yung mga laway siguro pero parang hindi pa namin naisip na mangyayari yun,” pag-amin ni Gonzales.

Nagsimula siyang makaramdam ng sintomas noong March 15. “Parang wala akong ganang kumain. Umuub0 ka na. Parang lalagnatin ka na. Ako na mismo ang nagpunta ng ospital,” paglalahad ni Gonzales.

Noon pa lamang daw ay may kutob na siyang maaaring COVID iyon dahil marami na siyang naririnig na kas0ng naitala sa mga dumalo sa sabong.

Sa katunayan, 26 COVID patients mula sa Davao Region ang nagsabing pumunta sila sa Matina Gallera.

Imahe mula sa Facebook | TV Patrol Southern Mindanao

Nangamba noon si Gonzales para sa kaniyang kalusugan lalo na at hindi maganda ang mga resulta ng kaniyang tests, ngunit sa halip na tuluyang panghinaan ng loob ay mas pinalakas niya ang kaniyang pananampalataya.

“Lakas ng loob talaga at panalangin, yun talaga… Na gusto mong mabuhay pa. Pero minsan, di maiiwasan nerbyosin ka,” aniya.

Matapos ang mahigit 20 araw ay naka-recover naman si Gonzales. Malaki ang pasasalamat niya sa mga healthcare worker at maging sa PhilHealth dahil sinagot nito ang kaniyang bill na umabot sa P700,000.

“Sobrang happy at saka grabeng pasasalamat sa Panginoon dahil sa sobrang hirap ‘di ko akalain na narito pa ako ngayon,” sabi ni Gonzales.

“Siyempre hinto na ako sa sabong at saka sugal sugal kasi nakikita kong hindi maganda.”

Panoorin ang panayam sa kaniya rito:

Source :

Facebook

Loading…