Lalaking walang pambili ng orig noon, may koleksyon na ng mamahaling sapatos ngayon

Imahe mula sa Facebook | Joseph Aday
  • Inspirasyon ang dulot ng isang netizen na ibinahagi ang larawan ng koleksyon niyang sapatos
  • Noon daw ay hindi siya makabili ng orihinal na sapatos ngunit dumiskarte siya upang mabili ang gusto
  • Sakaling kapusin ay handa naman daw siyang ibenta ang koleksyon dahil batid niyang ang mga ito ay materyal na bagay lamang

Naging inspirasyon ang isang lalaki na may malaking koleksyon ng mga mamahaling sapatos na noon ay hanggang tingin lang sa mga ito.

Imahe mula sa Facebook | Joseph Aday

Sa Facebook post ni Joseph Anday, ibinahagi niya na noong high school pa lamang siya ay mahirap na para sa kaniya ang bumili na sapatos na nagkakahalaga ng P1,200. Nang makarating daw siya sa kolehiyo ay nakabili siya ng unang pares ng orihinal na Nike.

“May bumili sa akin ng pair ko na yun. Nadoble pera ko tapos naging cycle na lang lahat,” kuwento niya sa post na ngayon ay may 18k reactions at 23k shares na.

Dagdag niya pa, sakaling kapusin at magutom ang kaniyang pamilya ay handa siyang ibenta ang mga koleksyon.

“Tandaan ninyo na materyal na bagay lang ang mga sapatos. Maluluma at maluluma. Nasa iyo na lang kung paano mo sila mamahalin at gagamitin ng tama,” sabi pa ni Joseph.

Imahe mula sa Facebook | Joseph Aday

Sinabihan niya rin ang mga kabataan na huwag magtampo kung hindi sila nabibilhan ng sapatos ng kanilang magulang. Sa halip ay matuto raw dapat silang mag-ipon upang mabili ang kanilang gusto.

“Proud ako na first year high school pa noong huli akong ibinili ng parents ko ng sapatos, leather shoes pa,” pagbabalik-tanaw niya.

Payo rin niya sa mga iba, “‘Wag kang titigil sa pangarap mo. Lahat tayo ay binibigyan ng 24 oras sa isang araw.”

Ang isang netizen na si Kalyl B., nagbahagi ng larawan ng munting koleksyon at sinabing pareho sila ng kuwento ng uploader.

“Huli rin akong nabilhan ng parents ko noong high school pa ako. Pinakamahal na sapatos ko dati P300 hanggang P500. Ngayon, inuunti unti ko na pangarap ko,” aniya.

Source :

Facebook

Loading…