Larawan na nagpapakitang napagkamalang COVID–19 ang rambutan, kinaaliwan

  • Kinagiliwan ng mga netizens ang isang “child art”
  • Napagkamalan kasi ng ibang mga prutas na corona virus ang prutas na rambutan
  • Ang rambutan ay isang uri ng prutas na tila may mabalahibong balat na kulay–pula na kadalasang makikita sa mga bansang tropikal gaya ng Pilipinas

Hindi maipagkakailang seryoso at hindi biro ang nararanasan ng buong Pilipinas at maging ng iba pang mga bansa sa daigdig dahil sa perwisyong idinulot ng COVID–19, na nakaapekto nang lubos sa lahat. Binago nito ang karaniwang takbo ng pamumuhay ng mga tao. Wika nga, “bagong normal” na ang susundin ng lahat pagkatapos ng krisis na ito.

Bagama’t takot at pangamba ang dulot ng pandemya, may ilan namang nagagawa pang tumawa at magpatawa. Ginagawa ito upang maibsan kahit paano ang mga negatibong pakiramdam. Gaya na lamang ng isang larawang kumakalat sa social media na nagpapakita ng isang “Child Art” kung saan makikitang napagkamalang corona virus ang prutas na rambutan.

Nagdulot ito ng katatawanan sa mga netizens matapos itong ibahagi ng iba’t ibang social media pages  gaya na lamang ni “Ah Fa“.

Imahe mula sa Facebook account ni Ah Fa

Makikita sa child art na sinusugod ng mga prutas na mangga, pakwan, strawberry, saging, at pinya ang kaawa–awang rambutan, na kumakaripas ng takbo habang sumisigaw ng “I’m rambutan!” Kung tutuusin, kahawig nga naman kasi ng rambutan ang corona virus.

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Pabirong sabi ng isa, “Oo nga no? Kamukha ng rambutan yung COVID–19 hahaha. Huwag na tayong kumain ng rambutan!”

“Kawawa naman ang rambutan! Hahahaha. Infairness, mukhang corona virus naman kasi ang rambutan hahaha.”

Batay sa mga larawang kumakalat sa internet, ang virus na ito ay tinawag na “corona virus” dahil mistulang may nakapalibot na korona o crown sa kabuuan nito. Sinasabing naipapakalat ito sa pamamagitan ng droplets, na naging dahilan kung bakit kailangang maipatupad nang mahigpit ang social distancing at enhanced community quarantine.

Ang prutas naman na rambutan o may taxonomic name na “Nephelium lappaceum” ay isang medium-sized tropical tree na kadalasang matatagpuan sa bansang Indonesia, at iba pang mga bansang tropikal sa Timog Silangang Asya, kabilang ang Pilipinas.  Kaanak ito ng mga edible tropical fruits tulad ng lychee, longan, pulasan at mamoncillo. Ito ay may balat na tila mabalahibong pula na nagpapahawig dito sa COVID–19.

Public Domain Image

Samantala, ang trending child art ay gawa ng nagngangalang “Steven ’20” (makikita sa lagda na nasa larawan) at ginamit din sa online blog na “Garfieldhug’s blog” para sa artikulong “Lighter Side Of COVID – Rambutan Versus Corona Cell” noong Abril 26, 2020.

Loading…