Larawan ng pagmamahalan: Lalaking buhat-buhat ang isang lolo upang iligtas sa sunog, umantig sa maraming netizens

  • Umantig sa maraming netizens ang isang larawan ng lalaking bitbit ang isang lolo
  • Iniligtas niya kasi ito nang matupok ang kanilang bahay at mas inuna ang lolo kaysa sa anumang bagay
  • Kahit na isang trahedya ang nangyari, maraming netizens ang nakakita ng pag-asa dahil sa pagmamahal na ibinigay ng lalaki sa matanda

Kung isang malaking dagok na para sa maraming Pilipino ang dinaranas na sakripisyo dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), para sa iba, may mga pagsub0k pang dumarating na talaga namang susukat sa iyong pasensya at pananalig.

“Stay at home” ang panawagan ng pamahalaan sa mga Pilipino ngayon. Ngunit ang iba ay hindi na ito magagawa sa ngayon dahil sa kasawiampalad na matupok ang kani-kanilang mga bahay. Nakalulungk0t man, ngunit madalas ding mabalitang nagkakasun0g sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayon.

Larawan mula sa Facebook post ni Marivic Tribiana

Nakahahabag na makabalita ng ganito sa panahong may krisis sa bansa. Pero isang larawan sa social media ang maaaring magpatunay na posible ang makakita ng pag-asa sa bawat dinaranas sa buhay, masaya man o malungkot.

In-upload ng netizen na si Marivic Tribiana sa kanyang Facebook account ang nakaaantig na larawan ng isang binatang may bitbit na matandang lalaki upang mailikas agad sa nangyayaring sun0g sa kanilang lugar. Makikita ang ibang residente na may dalang gamit upang isalba, pero ang lalaki ay mas inuna ang mahina at matandang lolo.

Bagaman hindi tukoy kung saan at kailan naganap ang nasabing insidente, marami ang humanga sa lalaki dahil sa pagmamalasakit na ibinigay nito sa matandang hindi na magagawa pang isalba ang kanyang sarili mula sa nagngangalit na ap0y na tumupok sa kanilang kabahayan.

“Tama ‘yan Kuya… Mas inuna mong iligtas ‘yung matanda,” sabi ni Marivic sa kanyang trending post na mayroon nang 15,000 reactions, 300 comments, at 9,600 shares habang isinusulat ang istoryang ito.

Larawan mula sa Pexels

May nagkomento rin na ang lalaki raw sa larawan ay kanilang kapitbahay at ang matandang bitbit nito ay kanyang ama. Marami din ang nagpahatid ng kanilang paghanga para sa kabutihang ipinamalas ng lalaki, sinupaman daw ang dala nito.

“Wow lang… Respeto ko sa’yo kuya, napakataas. Kaya sa mga anak diyan na may mga magulang pa, mahalin n’yo sila kasi kapag nawala sila, hanap-hanapin n’yo sila,” pahayag ng isang netizen.

Loading…