Lea Salonga, nakalikom ng halos ?1.7 milyon sa loob lamang ng isang oras na Facebook live concert

  • Marami nang Pilipinong mang-aawit ang nagbigay ng kanilang panahon para sa Bayanihan Musikahan laban sa COVID-19
  • Isa na rito si Lea Salonga na nakalikom ng halos ?1.7 milyon habang live na nagtatanghal
  • Ang pondong makakalap para sa Bayanihan Musikahan ay para sa mga mahihirap na komunidad at sa magigiting nating frontliners

Nasa loob man ng kaniyang pamamahay, nakalikom pa rin ng halos ?1.7 milyon ang mahusay na mang-aawit na si Lea Salonga para sa Bayanihan Musikahan.

Ang Bayanihan Musikahan ay mga serye ng online concert ng mga Pilipinong mang-aawit para makakalap ng pondo laban sa COVID-19. Nagsimula ito noon pang Marso 18.

Imahe mula sa Facebook page ni Leah Salonga

Inawit ni Salonga ang mga awiting “Nais Ko” ni Ryan Cayabyab at ang “Gaman” mula sa Allegiance na isang musical play na kinabilangan ng mang-aawit.

Inawit din niya ang sariling bersiyon ng “Bakit Labis Kitang Mahal” kung saan ito rin ang pamagat ng una niyang pelikulang Pilipino kasama sina Aga Muhlach at Ariel Rivera.

Inawit din ni Salonga ang “Sana Maulit Muli” ni Gary Valenciano. Ito rin ang pamagat ng ikalawa niyang pelikula kung saan muli niyang nakapareha si Aga.

Dalawang kanta naman ang ispesipikong inialay ni Salonga para sa mga frontliners: ang “Human Hearts” mula sa musical play na Once on This Island at ang “Bring Him Home” mula sa Les Miserables.

Huling inawit ni Salonga ang “Paraiso” na komposisyon din ni Cayabyab.

Samantala, sa kalagitnaan ng pagtatanghal ay pinaalala rin ni Salonga na opsiyonal ang pagbibigay ng donasyon at magbigay lamang kung may kakayahang magbigay.

Naging emosyonal din si Salonga habang nagpapaliwanag tungkol sa bayanihan ng mga Pilipinong mang-aawit para sa makabuluhang gawain ng Bayanihan Musikahan.

Binigyang-diin din ni Salonga na walang maliit na donasyon para sa mga nagbigay ng kanilang kontribusyon. Kapag pinagsama-sama naman ang mga ito ay napakalaking tulong na para sa mga nangangailangan.

Screen grab mula sa Facebook live concert ni Lea Salonga

“Wow, taong-bayan power talaga!” isa sa mga naibulalas ni Salonga habang patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nagbigay ng donasyon.

Kabilang sa mga mang-aawit na nakiisa para sa Bayanihan Musikahan ay sina Gary Valenciano, Ebe Dancel, Ice Seguerra, at marami pang iba.

Maaaring muling panoorin ang online concert ni Salonga sa ibaba na sa mga sandaling ito ay mahigit na sa dalawang milyong piso ang nakakalap na pondo:

Hi, everyone! Welcome to my shift on Bayanihan Musikahan! Help fight CoViD-19 with us!See links and hashtags below:pymy.co/pbsp (Mastercard, Visa, JCB, PayMaya)donation.ph/pbsp (BPI Debit/Credit Cards Only/GCash/Grab Pay)#BayanihanMusikahan#CitizenAction#taumbayantotherescue@fb.com/bayanihanmusikahan orhttps://www.facebook.com/bayanihanmusikahan/#StandTogether #ThanksHealthHeroeshttps://www.bayanihanmusikahan.org/Twitter: @bayanihanmusikaIG: BayanihanMusikahan

Posted by Lea Salonga on Thursday, April 2, 2020

Source :

Facebook

Loading…