Lechon ng masa: Nakakain ka na ba ng simple pero ubod ng sarap na inihaw na tuyo?

  • Paborito ng mga Pinoy ang simpleng pagkain tulad ng tuyo at daing
  • Maliban sa nakagawiang prito, puwede rin palang iihaw ang tuyo at daing
  • Sinariwa ito ng mga netizens na may paborito dito at mas masarap daw itong kainin nang naka-kamay

Isa sa mga katangian ng pagkaing Pinoy ay ang pagiging simple nito. Bukod sa pagiging masarap, dahil isang third-world country ang Pilipinas, maraming lutuin, putahe, at pagkain ang naimbento na abot-kaya ang presyo.

At kapag pag-uusapan ang simpleng pagkaing Pinoy, hindi mawawala ang tuyo o daing. Ito ay isang paraan ng pag-preserve ng pagkain, lalo na sa mga isda gamit ang asin at pagbibilad sa araw. Kaya naman may kaalatan ito kapag iniluluto.

Larawang ni-reupload ni Eyy Dhamz

Karaniwang ipini-prito ang tuyo at ipinapares sa sawsawang suka para mabalanse ang alat at asim. Perfect din itong ipares sa kanin, bagong saing man, bahaw, o maging sinangag lalo kapag sa almusal ito ihahain. Pero hindi lamang prito ang puwedeng gawin sa pamosong daing at tuyo.

Sa isang Facebook post sa group na We are 90’s, ibinida ni Eyy Dhamz sa kanyang post ang isa pang paboritong luto sa tuyo—ang inihaw. Sa mga lalawigan o probinsya, dahil karamihan doon ay gumagamit ng kalang de uling kapag nagluluto, isinasabay na nila ang tuyo o daing sa pagluluto.

Imbes na gumamit pa ng mantika at iprito, idadarang lang nila ito sa baga upang maging inihaw. Hindi tulad ng karne na kailangan pa ng marinade o sauce bago ihawin, ang tuyo ay direkta nang iniihaw. Habang nasa ap0y, humahalimuyak ang mabango at nakatatakam nitong amoy.

Katulad ng prito, perfect din itong isawsaw sa sukang may sili. Sabi pa nga ng mga netizens, mas napararami ang kain nila kapag ganito ang ulam dahil nakakamay pa sila kapag kumakain nito.

Mayroon ding nagsasabi na kapag ito ay ipinares sa kanin na sinabawan ng gatas ng baka, walang katulad ang sarap.

Larawang mula sa YouTube

Ang ilan ay sinasabing ito ang pagkain nila noong kapos pa sila sa budget. Mas mura kasi ito at nabibili sa mga suking tindahan. Ngunit ngayon, maging ang mayayaman ay itinuturing na ito bilang isang espesyal na pagkain lalo na sa almusal.

Pero kahit na medyo nakaluluwag-luwag na ang iba, hinahanap-hanap pa rin nila ang lasa nito kaya naman patuloy silang nag-iihaw ng tuyo at inuulam sa kanin.

Loading…